
MATAPOS ang matagal na pananahimik sa pagba-vlog ay sinorpresa ng social media personality na si Zeinab Harake ang kanyang followers sa isang bagong vlog.
Kuha ang naturang vlog sa kanilang Europe trip kasama ang kanyang asawa na si Ray Parks bilang kanilang honeymoon at first wedding anniversary celebration.
Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, July 1, ibinahagi ni Zeinab ang surprise vlog sa kanyang followers.
“Isang buwan akong walang vlog nung karaan busy akong gumagawa ng bata HAHAHAHAHA Kaya mamaya surprise bibigyan ko kayo ng movie,” saad niya.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Max Collins hot na hot sa bikini video: ‘Harutang Ina!’
Dagdag pa ni Zeinab, “Make sure madami kayong time kasi mahaba to.”
Sa naturang vlog ay makikita ang kanilang bakasyon sa Greece na dream destination niya.
Ipinakita rin ni Zeinab ang kanilang pagbisita sa Zakynthos, Greece kung saan kinunan ang “Descendants of the Sun”.
Naging emosyonal pa nga ang vlogger dahil pangarap niya lang ito dati pero ngayon ay nakikita na niya.
“Happy na ako. Naiyak ako sa dagat. Hindi ako OA. Tumalsik kasi sa mata ko [‘yung tubig dagat], sey ni Zeinab na abalang mag-fan girl.
Naging emosyonal na nga rin siya habang unti-unti niyang nari-realize ang pagkatupad ng kanyang pangarap.
“Feeling ko na-o-overwhelm ako. Kas dati noong pinapanood ko to noong 2016 wala naman akong pera eh. Naiiyak ako!” sabi ni Zeinab.
Hirit pa niya, “Sinasabi ko sa ‘yo. Buntis nga ako. Iba ang emosyon ko.”
Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon at nagsabing marahil ay buntis na ito sa panganay nila ni Ray.
Nasabi rin ni Zeinab sa naturang vlog na kung mabuntis siya ay gusto niya ng lalaki para magkaroon na sila ni mini version ni Ray.
The post Zeinab Harake matagal hindi nag-vlog, buntis na nga ba? appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/449420/zeinab-harake-matagal-hindi-nag-vlog-buntis-na-nga-ba
Original author: aarceo





