
NAGLABAS ng pahayag si acting Senate President Win Gatchalian sa ginawang Blue Ribbon Committee hearing ng paksyon nina Sen. Alan Peter Cayetano patungkol sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.
Sa kanyang naging panayam sa isang radio news program nitong Biyernes, June 5, sinabi ng senadoe na “gathering” lamang ang ginawa nila at hindi ito maituturing na hearing.
“Yung nangyari kahapon, hindi hearing iyon kundi gathering,” saad ni Gatchalian.
Pagpapatuloy niya, “Hindi iyon hearing, iyon ay para sa akin, isang gathering. At yung gaganaping hearing on Monday, ayun ang official hearing na ang chairman ay si Sen. Erwin Tulfo.”
Baka Bet Mo:
Bandera IG
Giit pa ni Gatchalian, hindi umano maituturing na opisyal na pahayag ang mga sinabi ng 18 ex-Marines dahil ang lehitimong Blue Ribbon Committee ay ang paksyon nilang bagong majority.
“Yung mga sinasabi nila, pinipili nila. Hindi rin tama. Kung gusto nila magsabi nang totoo, dapat lahat-lahat at gawin sa official venue,” sey ng senador.
Samantala, iniimbitahan naman ni Gatchalian ang 18 ex-Marines sa magiging pagdinig sa Lunes, June 8, upang maging opisyal ang kanilang mga sinabi.
“Invited naman ‘yong 18 [ex-Marines] on Monday… Sabihin nila ulit kung ano ‘yong [sinabi] nila doon para maging official,” sey ng senador.
Matatandaaang tuluyang nang nahati ang paksyon ng mga senador sa Senado matapos magdaos ng sesyon ang dating minority bloc nang dumating si Sen. Chiz Escudero matapos ang ilang araw na hindi nila pagsipot sa sesyon.
Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang posisyon ng Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Sen. Win Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President.
The post Win Gatchalian kay Cayetano: Hindi hearing ‘yon kundi gathering appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/447356/win-gatchalian-kay-cayetano-hindi-hearing-yon-kundi-gathering
Original author: pdelrosario





