Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

2 + 2 =

Page views: 21

Will Ashley lalong naging close kay Mika; game pa ring maka-work si Bianca

by | Jul 6, 2026

Will Ashley lalong naging close kay Mika; game pa ring maka-work si Bianca
PHOTO: Instagram/@mikslmnc

MAS naging close at mas tumibay ang samahan.

Ganito inilarawan ni Will Ashley ang kasalukuyang relasyon nila ni Mika Salamanca sa isang panayam sa ginanap na 9th Eddys na iniulat ng ABS-CBN.

“We are good po. Enjoy namin company ng isa’t isa. Sobrang naging close kami, lalo na nu’ng nag-lock in sa ‘Hotel 88.’ Kaya na-build namin strong foundation sa kung ano man relationship namin,” sey ng Kapuso actor.

Todo-puri rin si Will sa dedikasyon ni Mika sa kanyang propesyon at inaming wala siyang nakikitang problema kung sakaling makatambal niya ang dalaga sa mga susunod na proyekto.

Baka Bet Mo: Will Ashley pak na pak sa kanyang comedian era sa ‘Delivery Boi’

“Si Mika very focused siya sa work and craft niya. So gusto ko siya maka-work,” paliwanag niya. 

Matatandaang ilang buwan nang naging laman ng usap-usapan sina Will at Mika matapos silang makitang magkasamang bumiyahe sa Hong Kong at Thailand, bagay na lalo pang nagpasiklab sa espekulasyon ng kanilang mga tagahanga. 

Gayunman, nauna nang nilinaw ng dalawa na hindi “hard launch” ng kanilang relasyon ang mga naging viral na larawan nila sa Bangkok, at iginiit na nagkataon lamang na nakisabay sila sa isang trending concept. 

Samantala, nilinaw rin ni Will na bukas pa rin siya sa posibilidad na muling maka-love team si Bianca de Vera: “We never know, for now wala pang opportunity.”

Nang tanungin naman siya kung magkaibigan pa rin sila ni Bianca, ang sagot ng binata: “Oo naman [We are good friends.] Hindi naman po mawawala ‘yun. Tagal din namin nagsama sa loob ng bahay. Para talaga kaming magkakaibigan na nag-renta sa isang bahay.”

At speaking of 9th Eddys, naiuwi nina Will at Rico Blanco ang Best Supporting Actor award.

The post Will Ashley lalong naging close kay Mika; game pa ring maka-work si Bianca appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM