
HINDI maikakaila ang kaba at pressure sa pag-release ng debut full album ng P-Pop girl group na VVINK.
Pero ayon sa kanila, mas nangingibabaw pa rin ang excitement, gratitude, at matinding paniniwala sa kanilang pinagpaguran.
Sa isang exclusive listening session kasama ang BANDERA, ibinahagi ng VVINK kung paano nila hina-handle ang kaba sa kanilang journey.
“Hard work namin ang pinanghahawakan namin,” pag-amin ni Ayaka.
Baka Bet Mo: FlipMusic execs proud sa VVINK: ‘They are multi-genre artists!’
Chika pa niya, sa tuwing nakakaramdam sila ng pressure, inaalala nila ang mga pinagdaanan noong training days.
“Siguro po pinanghahawakan namin ‘yung hard work po namin everyday dahil hindi po talaga madali. Actually, sobrang hirap po,” sey niya.
Dagdag niya, “Pero tuwing kinakabahan kami or may konting doubt po kami na gano’n, binabalikan po namin ‘yung mga training era po namin – ‘yung mga recording, dance trainings na kinaya namin ‘yun. So eto na ‘yung time namin para ipakita ‘yung mga pinaghirapan po namin.”
Patuloy niya, “Pero ayun, may pressure pa rin po, may kaba pero mas nangingibaw po ‘yung excitement and yung pagka-grateful po namin na makakapaglabas na po kami ng full album.”
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0KiEcSuHmW6PKRSsB6jLCJ1MSbzSYWG9SD8W39kyFN2ny86bys46TAQjH4tP5DCCal&show_text=true&width=500" width="500" height="665" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Para naman kay Jean, simple pero malinaw ang paraan niya ng pag-handle ng pressure: “Hindi ko po masyadong iniisip ‘yung future. Parang kung ano po ‘yung mangyayari today, ‘yun po muna iisipin ko, bukas na po ‘yung para sa bukas.”
“Parang kasi the more na iniisip ko po siya…parang wala naman pong mangyayari. Kaya po ang nasa isip ko lang po is I have to get through this day and then tomorrow we will figure it out,” aniya pa.
Dagdag ni Odri, malaking bagay para sa kanila ang suporta ng FlipMusic team sa bawat performance at preparation.
“Lagi po sila nag-guide sa amin na, ‘huwag kayong kabahan, ginawa niyo lahat ‘yung best niyo.’ So doon po ako parang nagkakaroon ng lakas ng loob,” wika niya.
Para kay Angelika, ang pressure ay hindi hadlang kundi inspirasyon para mas pagbutihin pa nila ang kanilang craft.
“As much as pressured po kami, ginagamit din po namin ‘tong motivation to be better everyday po. So tuloy-tuloy po talaga ‘yung trainings namin, vocal trainings, dance trainings. Lahat po talaga, nilalagyan po namin ng hard work para po sa magandang kalalabasan,” saad niya.
Samantala, ibinahagi naman ni Mariel ang kanilang group routine bago mag-perform para ma-manage ang kaba.
“And actually, in terms of performance naman, may ginagawa po kasi kami parang routine po. So nagdasal po muna kami, and then nagbabatuhan po kami ng words sa isa’t isa para ma-uplift namin ‘yung isa’t isa para wala ‘yung kaba,” lahad niya.
Bukod sa pressure ng debut, ramdam din ng VVINK ang bigat at halaga ng kanilang album na “It Starts With A Wink – The First Full Album,” na ayon sa kanila ay sumasalamin sa kanilang growth bilang performers at bilang tao.
“This album is very important to us kasi it represents our growth, hindi lang po as performers, kundi as artists and of course as people po,” sey ni Mariel.
Patuloy ni Odri, “Yes, so sana po these songs can be part of your memories too and we hope na nakarating po yung message namin and yung heart behind it.”
Mensahe ni Ayaka, “Sana po mapakingan niyo po itong album na to whether you’re feeling happy, in love, heartbroken, or healing, or just simply having fun.”
Wika naman ni Angelika, “We’re super, super happy po and thankful po…dahil this album is the beginning of our new journey kasi it starts with a wink!”
Ang “It Starts With A Wink – The First Full Album” ay available na sa lahat ng digital music platforms worldwide.
The post VVINK sa kaba at pressure: ‘Mas nangingibabaw ang excitement, gratitude’ appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/447308/vvink-sa-kaba-at-pressure-mas-nangingibabaw-ang-excitement-gratitude
Original author: aarceo





