Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

15 + 5 =

Page views: 22

VVINK inispluk ang ‘wild idea’ sa likod ng ‘Baduy’ song, sino mahilig mag-budots?

by | Jun 6, 2026

VVINK inispluk ang ‘wild idea’ sa likod ng ‘Baduy’ song, sino mahilig mag-budots?
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

HINDI lahat ng hit songs ay planado dahil minsan, may mga kantang biglang sumusulpot, nagiging experimental, at nauuwi sa isa sa pinaka-iconic na tracks ng album. 

Ganyan ang kwento ng “Baduy,” isa sa pinaka pasabog na kanta ng rising P-Pop girl group na VVINK sa kanilang debut full album na “It Starts With A Wink – The First Full Album.”

Sa exclusive listening session na present ang BANDERA, ibinahagi ng grupo kung paano nabuo ang kantang naghalo ng hyperpop, budots, at sobrang Pinoy na energy na ngayon ay isa sa personal favorites nila.

Ayon kay Ayaka, hindi agad nila naisip na magiging bahagi ng album ang “Baduy.”

Baka Bet Mo: VVINK naiyak sa ‘Ikaw Ikaw’, kwento ni Jean: ‘na-ICU mama ko nu’ng recording’

“I would say ‘Baduy’ was really a curveball. Parang hindi po namin talaga siya in-expect. I don’t think na kasama po siya sa album noong una po,” sey niya.

Dagdag pa ng main rapper, “Pero nung na-record po namin siya, tapos ginagawan po namin ng choreo, parang it made sense kasi parang kami po ‘yung baduy, parang nasho-show po talaga namin doon sa kantang ‘yun ‘yung personalities namin and how fun we are or kung gaano namin gusto i-enjoy yung everyday life namin by just being who we are.”

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid02P7FVrzrLNCu5YZciFDksKjqMLTbodMr7RjeZkYQSK4nfZTK4xaDjFiXmQZdYidoSl&show_text=true&width=500" width="500" height="709" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Sabi naman ni Mariel, nagsimula ang lahat sa simpleng idea at kulitan sa studio.

“Actually, nabuo po ‘yung song na ‘yun kasi parang mahilig po kasi, especially si Jean mag-budots na sound,” pagbubunyag niya.

Tugon naman dito ni Jean na hindi napigilang mag-sample pa ng signature sound niya: “Hindi rin po ito alam nung iba kaya ‘yung reaction po nila, ‘Ay, ikaw pala yun?’ Yes, that’s me!”

Kwento pa ni Mariel, noong una ay nagdadalawang-isip pa sila kung gagawin talaga ang budots concept.

“Parang, syempre sa una, parang mapapadalawang-isip kami kasi parang bagong tunog po talaga siya sa P-Pop. Yes, ito ang bagong tunog nga naman. And ayun, parang nag-grow po siya sa amin and parang in-embrace na namin yung sarili namin doon,” sambit niya.

Para naman kay Odri, ang “Baduy” ay isang tunay na Pinoy celebration ng sayaw at kultura.

“Sabi nga po ni DJ Love, we can’t be anymore grounded than budots. And super Pinoy siya kasi everytime po na pine-perform po namin siya, mayroon talagang mga nakikisabay po sa amin sumayaw,” saad niya sa media.

Giit naman ni Angelika, hindi lang ito simpleng eksperimento kundi isang pahayag ng cultural pride.

“Kasi po with ‘Baduy’, it’s something po na sobrang mamahalin po nating mga Pilipino dahil it represents Filipino po talaga. Dahil budots came from Davao by DJ Love po. Doon po talaga nag-start everything. Kapag naririnig mo siya, masasabi mo talagang, ito ‘yung Pinoy music natin. So dapat nating mahalin yung sariling atin,” aniya.

Ang “Baduy” ay isa lamang sa 14 tracks ng “It Starts With A Wink – The First Full Album,” kung saan ipinakita ng VVINK ang kanilang versatility mula pop, R&B, hyperpop hanggang hip-hop at experimental sounds.

Kasama sa album ang mga kantang “Tulala,” “Tatlong Hiling,” “Kailan Ka Aamin,” “Pag-ibig Fun,” at ang emotional centerpiece na “Ikaw Ikaw,” na nagpakita ng mas malalim na storytelling at identity ng grupo.

Ang “It Starts With A Wink – The First Full Album” ay available na sa lahat ng digital music platforms worldwide.

The post VVINK inispluk ang ‘wild idea’ sa likod ng ‘Baduy’ song, sino mahilig mag-budots? appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM