Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

1 + 10 =

Page views: 51

VP Sara Defense Team: Walang matibay na ebidensya sa ‘kill order video’

by | Jul 8, 2026

VP Sara Defense Team: Walang matibay na ebidensya sa 'kill order video'

NANINIWALA ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte na nabigo ang panig ng prosekusyon na maglatag ng konkretong ebidensya para patunayan na may kinausap itong “hired killer.”

Sinabi ni defense lawyer Mark Vinluan na ang kabilang panig na ang nagsabi sa isang press conference noong Nobyembre 23, 2024 na hindi mapapatunayan na may kinausap na “hired killer” si Duterte para patayin sina Pangulong Marcos Jr., Unang Ginang Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi pa ni Vinluan na maging si Senator-Judge Risa Hontiveros ay sinabi kahapon na wala sa mga sinabi ni Duterte sa isang video ang susuporta sa alegasyon na may kinausap itong “hired killer.”

Idinagdag pa ni Vinluan na hindi sapat ang testimonya ni NBI Senior Agent John Mark Calilung para suportahan ang alegasyon laban sa bise presidente.

Baka Bet Mo: Walang iwanan! VP Sara nagpasalamat sa Duterte loyalists

Idiniin ng abogado na dapat tingnan ang naging pahayag ni Duterte na reaksyon ng isang asawa, ina, anak at kapatid dahil sa nabunyag na “Operation Romanov,” isang diumano’y plano para patayin ang pangalawang pangulo at ang kanyang pamilya.

Samantala, hindi itinuloy ng panig ng prosekusyon ang pagprisinta sa kanilang ikalawang testigo, si NBI Agent Jeremy Lotoc.

Sinabi ni Vinluan na ang testimonya ni National Bureau of Investigation (NBI) Senior Agent John Mark Calilung, kalakip ang iba pang ebidensya na iprinisenta sa prosecution ay hindi sapat para patunayan ang alegasyon laban kay VP Sara.

“Ang testimony ni Calilung, gaya ng iba pang ebidensya kuno ng prosecution, ay hindi sapat para patunayan ang paratang na ito,” lahad ni Vinluan.

The post VP Sara Defense Team: Walang matibay na ebidensya sa ‘kill order video’ appeared first on Bandera.

LATEST PHOTO ALBUM RELEASES

Upcoming Events

No upcoming events found.

LATEST PHOTO ALBUM RELEASES

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM