Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

8 + 3 =

Page views: 12

Vivamax bombshell Angel Castro muntik mabulag dahil sa fake eyelashes

by | Jul 1, 2026

Vivamax bombshell Angel Castro muntik mabulag sa fake eyelashes
Angel Castro at Akira Takamura

MUNTIK na palang mabulag ang Vivamax star na si Angel Castro dahil sa paggamit ng eyelash extension.

Nagbabala ang pinakabagong VMX actress sa mga mahilig magpalagay ng eyelash extension lalo na yung mga gumagamit ng pekeng version nito.

Kuwento ni Angel, na anak ng dating teenstars na sina Raven Villanueva at Diego Castro, muntik na siyang mabulag nang ma-infect ang kanyang mata dahil sa inilagay na plastic lashes at gamitan ng glue.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Angel (na dating Claire Castro noong nasa GMA Sparkle pa siya) sa mediacon ng kanyang VMX film na “Bagong Tukso 2”.

Aniya, ang kundisyon niya sa mata ang dahilan kung bakit hirap siyang tumingin nang diretso sa mga kausap niya. Talaga raw sumasakit ang mata niya kapag matagal na sa liwanag.

Nagsimula raw ito matapos siyang lagyan ng plastic fake lashes at humapdi ang kanyang mata pagkagising niya kinabukasan.

Base sa resulta ng kanyang eye checkup, nakitang nagkagasgas ang kanyang mata. Talaga raw iyak siya nang iyak sa sobrang hapdi at takot na takot na baka mabulag siya.

Hanggang ngayon daw ay pa-sumpung-sumpong ang kirot sa kanyang mata. Aniya, kailangang operahan ang isa niyang mata pero kailangang pababain muna ang uric acid niya.

Samantala, ipinakilala na ng VMX ang Bagong Henerasyon ng mga Hottie sa “Bagong Tukso 2.0”.

Mas marami pang kapana-panabik na pantasya ang naghihintay sa mga solidong tagasuporta ng VMX sa “Bagong Tukso 2.0”, isang 70-minutong espesyal na magsisilbing engrandeng pagpapakilala sa mga bagong mukha na inaasahang mangunguna sa susunod na henerasyon ng mga orihinal na handog ng VMX.

Sa espesyal na ito, mas makikilala ng mga manonood ang mga personalidad sa likod ng kamera. 

Bawat isa sa mga bagong VMX Babes ay bibida sa sarili nilang segment, kung saan magbabahagi sila ng mga personal na kuwento, sasagot sa masasaya at mapang-usisang tanong, at magbibigay ng pasilip sa mga proyektong dapat abangan ng kanilang mga tagahanga. 

Pinagsasama ng “Bagong Tukso 2.0” ang glamour, alindog, at mga eksklusibong behind-the-scenes na eksena upang mas mapalapit ang mga manonood sa mga pinakabagong bituin ng VMX.

Nangunguna sa bagong lineup sina Angel Castro, Shalanie De Vera, Akira Takamura, Kim Yashii, at Shannon Sizon—limang magagandang bagong mukha na handang patunayan ang kanilang husay, kumpiyansa, at kakaibang karisma sa harap ng kamera. 

Tampok sa espesyal ang mga eleganteng beauty shoot, masayang kuwentuhan, at mapang-akit na performances na magpapakita ng natatanging personalidad ng bawat VMX Babe, kasabay ng mga pasilip sa mga pelikula at karakter na kanilang bibigyang-buhay sa mga susunod na buwan.

Bawat segment ay magtatapos sa isang signature VMX-style finale na magpapakita ng kumpiyansa at karisma ng bawat bituin, dahilan upang maging isang palabas na hindi dapat palampasin ang “Bagong Tukso 2.0.”

Mapapanood ang “Bagong Tukso 2.0” simula sa July 14, eksklusibo sa VMX. 

The post Vivamax bombshell Angel Castro muntik mabulag dahil sa fake eyelashes appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM