
MAGKAKAROON rin ang all-female group na Viva Hot Babes ng kanilang reunion concert ngayong October 2026.
Binubuo ang naturang all-female group nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Jaycee Parker, Jennifer Lee, Sheree Bautista, Maui Taylor, at Asia Agcaoili.
Tila na-inspire nga ang Viva Hot Babes sa naging successful na muling pagsasama ng SexBomb Girls matapos ang naging mainit na pagtanggap sa kanila ng madlang pipol.
Sa kanilang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan nag-guest sina Katya, Andrea at Maui noong Huwebes, September 10, at nahingan sila ng reaksyon hinggil sa mga duda ng netizens kung magiging successful nga ba ang kanilang reunion concert at kung maungusan nila ang SexBomb Girls.
Baka Bet Mo: https://bandera.inquirer.net/436547/viva-hot-babes-plano-ring-mag-reunion-concert-wish-maka-collab-ang-sexbomb
“We do hope so,. We do hope malampasan namin sila. And we really admire them dahil alam namin ‘yong story nila; how they started,” sagot ng isa sa Viva Hot Babes na si Andrea.
Giit naman ni Katya, wala namang kumpetisyon sa pagitan nila ng SexBomb.
“Hindi naman lalagpasan. I think there’s no competition between us. We just want to clear things kasi ‘yong fans kasi ‘yong nagbibigay ng meaning, e,” sabi niya.
Pagpapatuloy pa ng miyembro ng Viva Hot Babes, “Pero we don’t want to compete kung ano ‘yong narating nila. Kami naman, this reunion, it’s not about kung mas successful sila o kami.”
Sumundot naman si Andrea at ipinaliwanag na ang gusto raw niyang sabihin ay binigyang-inspirasyon sila ng SexBomb.
“I mean, I’m inspired by what happened,” anang Viva Hot Babes member.
Matatandaang nauna nang sinabi ni Katya na wala raw silang planong magkasa ng reunion concert gaya ng SexBomb.
Paliwanag niya, magkakaiba na raw ang landas at prayoridad ng bawat miyembro ng grupo sa kasalukuyan.
Ngunit tila nagbago ang mga pangyayari dahil nakumbinsi umano ni Boss Vic Del Rosario ang Viva Hot Babes.
“Like what Boss Vic said, it’s like the year of the comeback for everyone because a lot of people are coming back, groups, so why not do it? I mean, the management would know better than us,” kuwento ni Maui.
Nakatakdang mangyari ang “Bulaklak: Viva Hot Babes Reunion” sa Oktubre 23 sa New Frontier Theater.
The post Viva Hot Babes na-inspire sa SexBomb Girls, may reunion concert rin appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/454712/viva-hot-babes-na-inspire-sa-sexbomb-girls-may-reunion-concert-rin
Original author: aarceo












