
HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Shuvee Etrata ang magpaka-fangirl matapos mag-krus ang landas nila ng Filipino tennis star na si Alex Eala sa New York noong Agosto.
Sa kanyang naging panayam sa “24 Oras”, muling binalikan ng dalaga na nagpapa-picture lang siya sa isang spot sa SoHo nang marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan.
“I’m really a fan of Alex. Nung nandoon ako sa SoHo sa New York, nagpi-picture ako sa isang wall doon. Alam mo na for the aesthetic talaga tayo, picture-picture everywhere. Biglang may nagsabi, ‘Shuvee!’ Doon na ako [napalingon kung] sino ‘yun,” pagbabahagi ni Shuvee.
Kaya naman nang na-realize niya na ang taong tumatawag sa kanya ay hindi siya makapaniwala na si Alex Eala ito.
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes kay Shuvee Etrata: Never lose that spark
“Alex, I love you talaga. Talagang mahal na mahal kita, Alex. Alam niya ‘yan,” chika pa ni Shuvee.
Dagdag pa niya, “Talagang tumakbo talaga siya. [Sabi ko sa kaniya], ‘Alex mahal na mahal talaga kita.’”
Ang kanilang pagkikita ay naging unforgettable moment para may Shuvee.
“Oh my gosh, talagang nag-fangirl ako. Fangirl at its finest. Ang tangkad niya pala. Ang ganda-ganda niya,” sabi pa ng dalaga.
Naaliw rin si Shuvee sa pagiging humble ni Alex sa kanilang pagkikita.
Na-appreciate rin niya ang pagsasalita nito ng Wikang Filipino sa kabila ng mga taong nakapaligod sa kanila na nagsasalita ng Wikang Ingles.
“I’m really, really happy and lucky to have met her,” masaya pang saad ni Shuvee.
Unang ibinahagi ng aktres sa Instagram ang isang candid photo mula sa kanilang pagkikita noong August 26, na nagbigay sa kanyang mga follower ng sulyap sa hindi inaasahang pagtatagpo. Pareho ring naka-follow sa isa’t isa ang dalawa sa naturang social media platform.
The post Shuvee Etrata nang makita si Alex Eala: Talagang nag-fangirl ako! appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/454685/shuvee-etrata-nang-makita-si-alex-eala-talagang-nag-fangirl-ako
Original author: aarceo












