Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

14 + 14 =

Page views: 19

SB19, Ben&Ben, G22, KAIA, iba pa pasabog sa OPM Con Generations 2026

by | Jul 5, 2026

SB19, Ben&Ben, G22, KAIA, iba pa pasabog sa OPM Con Generations 2026

SUNUD-SUNOD na pasabog ang gagawin ng SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at XONARA sa “OPM Con Generations 2026.”

Abangers na ang masusuwerteng nakakuha ng tiket sa sold-out “Puregold OPM Con Generations 2026” na inaasahang magmamarka sa lahat ng Pinoy fans.

Sa pagsasama-sama ng mga grupong P-Pop, banda, at nangunungang hip-hop artist na kilala sa buong mundo, inaasahang full house ang selebrasyon sa Araneta Coliseum sa July 11.

“Sinasalamin ng lineup ngayong taon ang kasalukuyang kalagayan ng OPM—iba-iba, patuloy na umuunlad, at tumatagos sa iba’t ibang henerasyon ng mga tagapakinig,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc..

“Ipinagdiriwang ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang isang sining na buong pagmamalaki nating tinatawag na sariling atin—mga artistang may malasakit at mga tagahangang walang sawang sumusuporta. 

“Kung mas marami pang Pilipino ang nakatutuklas at nagmamahal sa OPM, mas maraming artist ang nabibigyang-lakas na lumikha, at sama-sama tayong umuusad bilang isang bansa. Iyan ang isa pang kahulugan ng panalo para sa amin,” aniya pa.

Tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang mga artistang nakapag-ipon na ng bilyon-bilyong streams, tumanggap ng mga prestihiyosong parangal, may matatag na fandoms, at naipakilala ang OPM sa mga tagapakinig sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo. 

Sa pagsasama ng mga artistang kumakatawan sa iba’t ibang henerasyon at genre, ipinagdiriwang ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang lawak at sigla ng makabagong musikang Pilipino.

Nangunguna sa lineup ang SB19, ang limang miyembrong P-Pop powerhouse na may impluwensiyang lampas na sa Pilipinas. 

Ang SB19 ang kauna-unahang Southeast Asian act na nominado sa Billboard Music Awards at patuloy na nagpapalawak ng kanilang pandaigdigang impluwensiya sa pamamagitan ng mga hit na “GENTO,” “MAPA,” at “DAM.”

Sa suporta ng kanilang dedikadong fandom na A’TIN, naging isa ang SB19 sa pinakamalalaking pangalan sa pag-usbong ng modernong Filipino Pop.

Makakasama rin ng SB19 ang Ben&Ben, kinikilalang folk-pop band na lumikha at nagpasikat ng mga awiting puno ng damdamin. 

Ang mga kantang tulad ng “Kathang Isip,” “Leaves,” “Maybe the Night,” at “Araw-Araw” ay naging bahagi na ng mga playlist ng iba’t ibang henerasyon ng mga tagapakinig. Dahil dito, kinikilala ang siyam na miyembrong banda bilang isa sa mga pinakatanyag at pinakamaraming streams sa bansa.

Isa pang kumakatawan ng P-Pop ang Alamat, grupong nakilala dahil sa pagbibigay-pugay sa kulturang Pilipino. 

Sa paggamit ng mga katutubong wika, impluwensiyang etniko, at mga tradisyong panrehiyon sa kanilang musika, natatangi ang Alamat sa genre habang patuloy na lumalawak ang kanilang masugid na fandom na tinatawag na “Magiliw.” 

Bakas ito sa mga kantang “Maharani” at “Dagundong,” na matagumpay na pinagsasama ang mayamang kultura ng bansa at makabagong musika.

Hindi makokompleto ang isang malaking OPM event kung wala ang malakas na presensiya ng hip-hop, at hatid ito ngayong taon nina Flow G at Skusta Clee. 

Kapwa sila unang nakilala bilang miyembro ng Ex Battalion bago bumuo ng matagumpay na mga solong karera. Isa si Flow G ngayon sa pinakatanyag na rap artist sa bansa, na nagwagi ng mga pangunahing parangal tulad ng Wish Artist of the Year at Spotify KALYE Artist of the Year. 

Patuloy na nananatiling paborito ng mga tagahanga ang kaniyang mga awit katulad ng “Rapstar” at “Praning.” Samantala, nakabuo naman si Skusta Clee ng tapat na fanbase sa pamamagitan ng mga hit na “Zebbiana” at “Dance With You,” dahilan upang maging isa siya sa pinakakilalang pangalan sa lokal na urban music scene.

Para naman sa mga mahilig sa feel-good anthems, dala ng SunKissed Lola ang kanilang natatanging timpla ng alternative pop-rock sa entablado ng OPM Con Generations. 

Ang breakout hit nilang “Pasilyo” ay naging isa sa pinakamalalaking OPM songs nitong mga nakaraang taon, habang ipinamalas naman ng mga sumunod na awitin tulad ng “Makalimutan Ka” at “White Toyota” ang kanilang husay sa pagsusulat ng mga kantang tagos sa puso. 

Dahil dito, bahagi na rin ng maraming playlist ang musika ng SunKissed Lola.

Bahagi rin ng lineup ang tatlong P-Pop girl groups na representasyon naman ng iba’t ibang yugto ng patuloy na pag-unlad ng genre. Kilala ang G22 bilang “P-Pop’s Female Alphas” dahil sa kanilang makapangyarihang mga boses at matitinding live performances. 

Patuloy namang pinatitibay ng KAIA ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng mga pulidong pagtatanghal at mga awiting tampok ang empowerment, na unti-unting nagpapalawak ng kanilang fanbase. 

Samantala, isa sa pinakamalaking pagtatanghal ng XONARA ang kanilang paglahok sa OPM Con. Bilang kauna-unahang girl group ng 1Z Entertainment, magbibigay sila ng sulyap sa susunod na henerasyon ng P-pop.

Magkakaiba man ang naging landas ng bawat artista tungo sa tagumpay, iisa ang kanilang naging destinasyon—ang mapasama sa mga playlist, music charts, concert stages, at sa puso ng mga Pilipino. 

Sama-sama nilang ipinapakita ang lalim at lawak ng kasalukuyang OPM, habang pinagbubuklod ang iba’t ibang henerasyon ng mga tagapakinig, sari-saring estilo ng musika, at magkakaibang komunidad sa iisang pagdiriwang ng orihinal na musikang Pinoy. 

Ang natatanging pagsasamang ito ang dahilan kung bakit ang Puregold OPM Con Generations 2026 ay isa sa pinakaaabangang pagdiriwang ng taon.

Dahil sold-out na ang lahat ng upuan at tiket, nakatuon na ngayon ang pananabik sa mismong mga pagtatanghal. 

Sa July 11, masasaksihan ng libo-libong fans sa punong-punong Araneta Coliseum ang siyam na powerhouse acts na magbabahagi ng iisang entablado sa isang gabi, isang pambihirang karanasang minsan lamang mangyari.

The post SB19, Ben&Ben, G22, KAIA, iba pa pasabog sa OPM Con Generations 2026 appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM