
NAKAKAPAGOD at nakakaubos ng energy ang pagiging mga magulang para sa celebrity couple na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda.
Ngunit ibang klaseng kaligayahan at fulfillment ang nararamdaman ng first-time mommy at daddy sa pag-aalaga sa kanilang panganay na si Baby Emmanuel.
Ibinahagi nina Robi at Maiqui sa madlang pipol ang kanilang buhay ngayon bilang parents sa pamamagitan ng mga video na ipinost nila sa Instagram.
Makikita sa IG post ng mag-asawa ang mga naging kaganapan sa mga unang linggo ng pag-aalaga nila kay Emmanuel kabilang na ang pagpapalit ng diapers, pagpapatulog sa baby at ang pag-asikaso sa mga bisitang dumadalaw sa kanilang tahanan.
“The last video is still the best. Hehe sorry,” ang caption ni Maiqui sa kanyang IG reel.
Post maman ni Robi, “Some memorable moments from the first few weeks having our son at home:
“1 – He’s finally home. “2 – Cisco decides to visit his godson.“3 – Daddy Robi finds the Fountain of Youth. “4 – You thought you’re done with diaper duties until…“5 – 1 week of being a hands-on father. It’s 3am. The mind is strong but the body is weak. “6 – Maiqui calls for help… with diaper change.
“Yes, sometimes it can be tiring, oftentimes it can be humbling… but we are fulfilled. To our newborn Emmanuel, it is always a blessing and privilege to have and hold you,” aniya pa.
Sandamakmak naman na netizens ang nag-comment sa post ng mag-asawa at halos lahat ay humanga sa pagiging hands on nanay at tatay nina Robi at Maiqui.
“Having children is miraculous! Creating another life is the ultimate gift from God.”
“Sleepless night is temporary pero worth it lahat kaya mo yan.”
January, 2026 nang ibandera ng mag-asawa na expecting na sila sa kanilang first child sa pamamagitan din ng video sa Instagram na sumabay pa sa second wedding anniversary.
“Two years married… and now our greatest blessing is on the way. Happy 2nd anniversary! We’re ready to give you all our love,” ang caption ng kanilang post.
The post Robi Domingo, Maiqui Pineda may inamin sa pag-aalaga kay Baby Emmanuel appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/448159/robi-domingo-maiqui-pineda-may-inamin-sa-pag-aalaga-kay-baby-emmanuel
Original author: esantiago





