Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

4 + 10 =

Page views: 14

REVIEW: ‘Street Fighter’ winner sa aksyon, comedy, bigatin pa mga bida!

by | Oct 18, 2026

REVIEW: ‘Street Fighter’ winner sa aksyon, comedy, bigatin pa mga bida!
PHOTO: Courtesy of Paramount Pictures

HINDI lang suntukan at bakbakan ang hatid ng “Street Fighter” movie dahil tila binuhay nito ang mundo ng sikat na video game, kasama ang mga paboritong karakter, iconic lines, at mga eksenang siguradong magpapaalala sa mga fan ng kanilang paglalaro.

Winner ang bagong movie adaptation dahil bukod sa intense na aksyon, may hatid din itong katatawanan at chemistry sa pagitan ng mga karakter na dagdag-saya sa panonood.

Present ang BANDERA sa premiere screening ng pelikula, at masasabi nating hindi lang aksyon ang puhunan nito. 

Mula sa itsura ng mga karakter hanggang sa mga linyang pamilyar sa mga tagahanga, ramdam ang Street Fighter vibes. 

Ang mga laban ay intense, pero may mga sandali ring nakakatawa at sadyang nakakaaliw. 

Baka Bet Mo: LIST: 6 bagong pelikulang magpapakilig, magpapasindak, magpapasabog sa Oktubre

Para sa mga lumaki sa paglalaro ng Street Fighter, tila isang nostalgic trip ang pelikula. 

Tampok sa pelikula si Andrew Koji bilang Ryu, Noah Centineo bilang Ken, at WWE superstar na si Joe “Roman Reigns” Anoa’i bilang Akuma. 

Kasama rin sa cast si David Dastmalchian bilang Lord M. Bison at Jason Momoa bilang Blanka, na nagsilbi rin bilang producer ng pelikula.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/njHI5d6i7sg?si=XqhofZQ8O_RLce7F" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Ayon kay Koji, mahalaga sa kanila na hindi lamang mga bagong fan ang maengganyo sa pelikula kundi maging ang mga matagal nang sumusubaybay sa laro.

“We all wanted to make sure that not only can we get new fans to love it, but the hardcore fans too,” sey niya sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, marami silang isinama na references sa orihinal na laro upang makabuo ng isang “Street Fighter” film na naiiba sa mga nauna.

Sumang-ayon naman si Anoa’i na may bagong karanasang naghihintay sa mga fan sa bersyong ito ng sikat na video game.

“We’ve done properly what hasn’t been done before – fleshing out a world that so many people of all ages know and love,” aniya.

At kung habol mo ang matitinding fight scene, mukhang hindi ka bibiguin ng “Street Fighter.”

Ayon kay Centineo, na gumaganap bilang Ken, mas magandang panoorin ang pelikula sa pinakamalaking screen para maranasan mismo ang visual effects, mga laban, at sound design nito.

“It’s a huge movie. It is so visually stimulating that seeing that on a huge screen is the way to see it,” paliwanag niya.

Para naman kay Momoa, na gumaganap bilang Blanka, higit pa sa mga laban ang maiaalok ng pelikula. 

“Street Fighter will make you laugh, and cry, and have a really great time. This is my childhood. Street Fighter was everything growing up,” saad ni Momoa.

Kung nais mong makita sa malaking screen ang mga paboritong karakter ng “Street Fighter,” sulit itong isama sa iyong movie watchlist na showing na sa mga lokal na sinehan.

The post REVIEW: ‘Street Fighter’ winner sa aksyon, comedy, bigatin pa mga bida! appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM
DIGITAL MARKETING