
NAKABALIK na sa Vatican si Pope Leo XIV matapos sumailalim sa operasyon para tanggalin ang cancerous tumor sa kanyang baga.
Sinalubong ng masiglang palakpakan at pagbati mula sa mga well-wishers ang 71-anyos na Santo Papa nang lumabas siya sa Gemelli Hospital noong Sabado, October 17, apat na araw matapos operahan.
Nakuhanan pa siyang naglalakad palabas ng ospital, nakangiti habang nakikipagkamay at kumakaway sa mga taong naghihintay sa kanya.
Bago tuluyang umalis, nakipag-usap din siya sa mga doktor at opisyal ng ospital na nag-asikaso sa kanyang pagpapagaling.
Baka Bet Mo: Pope Leo XIV na-diagnose ng lung cancer matapos maoperahan
Ayon sa kanyang mga doktor, “fit for discharge” na ang Santo Papa at maaari nang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling sa Vatican.
Sinabi naman ng surgeon na si Stefano Margaritora sa Vatican News na nasa “absolutely satisfactory clinical condition” si Pope Leo.
Tinatayang sampung araw pa ang kailangan bago siya tuluyang maka-recover.
Magugunitang mula Martes, October 13, ay nanatili sa Gemelli Hospital ang Santo Papa matapos tanggalin ng mga doktor ang ibabang bahagi ng kanyang kanang baga upang alisin ang cancerous tumor.
Bago siya tuluyang pinayagang makalabas, nagdaos muna siya ng misa bandang tanghali sa isang kuwarto sa ika-10 palapag ng ospital, kung saan siya nagpapagaling nitong mga nakaraang araw.
Samantala, inaasahang pangungunahan ni Pope Leo ang Angelus prayer mula sa bintana ng Apostolic Palace na nakaharap sa St. Peter’s Square ngayong Linggo, October 18, alinsunod sa nakagawian ng Santo Papa, ayon sa Vatican.
The post Pope Leo XIV nakalabas na ng ospital, nakabalik na ng Vatican matapos operahan appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/457228/pope-leo-xiv-nakalabas-na-ng-ospital-nakabalik-na-ng-vatican-matapos-operahan
Original author: pdelrosario












