Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

4 + 11 =

Page views: 29

‘On Your Feet!’ musical nag-cast reveal na, handa nang magpaindak!

by | Jun 5, 2026

'On Your Feet!' musical nag-cast reveal na, handa nang magpaindak!
PHOTO: Courtesy of 9 Works Theatrical/Charles Villaruz

TILA hindi pa tapos ang summer dahil siguradong paiinitin pa lalo ng musical na “On Your Feet! The Story of Emilio & Gloria Estefan” ang entablado ngayong Hulyo!

Inanunsyo na ng 9 Works Theatrical at Rockwell ang powerhouse cast ng Southeast Asian premiere ng hit Broadway at West End musical na magdadala sa makulay at inspiring na kwento ng music icons na sina Gloria at Emilio Estefan.

Dalawang magagaling na singer-actress ang magpapalitan sa papel ng tinaguriang Queen of Latin Pop na si Gloria Estefan –sina Molly Langley at Kayla Rivera.

Si Molly ay isang Filipino-British performer na nagtapos sa Performers College sa United Kingdom at napanood na sa mga musical tulad ng “RENT,” “Side Show,” “Spring Awakening,” at “A Christmas Carol.”

Baka Bet Mo: ‘Yemaya’ ng 9 Works Theatrical sasagwan na sa Pinoy stage sa Hunyo! 

Nakilala rin siya ng mga manonood nang mapasama siya sa Top 6 ng singing competition na “The Clash.”

Samantala, si Kayla naman ay isang Filipino-Canadian singer at actress na unang sumikat bilang grand finalist ng “Star Power.” 

Mula noon ay nagningning siya sa teatro sa mga produksiyon gaya ng “In The Heights,” “Carrie,” at “Side Show,” kung saan nakatanggap siya ng ilang nominasyon bilang Best Actress.

Hindi lang sina Molly at Kayla ang dapat abangan dahil bumubuo rin ng all-star cast ang mga beteranong artista at theater performers.

Kabilang dito sina Ayen Laurel bilang Gloria Fajardo, ang ina ni Gloria; Pinky Marquez bilang lola nitong si Consuelo Garcia; John Joven Uy bilang Jose Fajardo; Vien King bilang batang Jose; Jani Magadia bilang Rebecca Fajardo; at Anyah de Guzman na gaganap din bilang Rebecca sa ilang pagtatanghal at bilang Robin.

Isa sa mga inaabangang pagbabalik-entablado ay ang kay Ayen Laurel na matagal nang hinahangaan sa teatro, telebisyon, at pelikula. 

Nakilala siya sa mga produksyon ng “Grease,” “A Chorus Line,” at “Once on This Island,” habang napanood din siya sa mga teleseryeng “Amaya,” “Temptation of Wife,” at “Can’t Buy Me Love.”

Kasama rin ang beteranang singer-actress na si Pinky Marquez na may mahabang karanasan sa teatro at telebisyon, pati na ang multi-awarded performer na si John Joven Uy na may international theater credentials at kamakailan ay napanood sa “Encantadia” at “Pamilya Sagrado.”

Hindi rin magpapahuli ang theater heartthrob na si Vien King na nagbigay-buhay sa mga karakter sa “Liwanag Sa Dilim,” “Rama Hari, tick, tick…BOOM!,” at “The Bodyguard.”

Magbibigay rin ng kulay sa produksyon ang child theater talents na sina Reese Iso at Althea Ruedas bilang Little Gloria, habang sina Elian Santos at Manolo Villalva naman ang hahalili bilang Young Emilio.

Mas lalo pang sisigla ang musical sa pamamagitan ng energetic ensemble cast na magdadala sa audience sa makulay na mundo ng Little Havana at sa tunog ng Miami Sound Machine sa pamamagitan ng bonggang choreography at world-class vocals.

Pinangungunahan ni Robbie Guevara ang direksyon ng musical, kasama sina Daniel Bartolome bilang musical director at Nunoy van den Burgh bilang choreographer.

Isasalaysay ng “On Your Feet!” ang totoong buhay nina Emilio at Gloria Estefan mula sa kanilang simpleng pinagmulan sa Cuba at Miami hanggang sa pagiging international music superstars. 

Tampok din dito ang mga pagsubok na kanilang nalampasan, kabilang ang isang trahedyang muntik nang bumago sa kanilang buhay at karera.

Mapapanood ang “On Your Feet! The Story of Emilio & Gloria Estefan” tuwing weekend mula July 10 10 hanggang August 2 sa Proscenium Theater sa Rockwell Center, Makati City.

The post ‘On Your Feet!’ musical nag-cast reveal na, handa nang magpaindak! appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM