
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang patutsada ng showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz matapos magbahagi ng isang matapang na pahayag tungkol sa pananampalataya, ugali, at pagkukunwari.
Sa isang Instagram story na ibinahagi niya, ipinahayag ng talent manager ang kanyang pagkadismaya sa mga taong madalas magbanggit ng mga Bible verses ngunit hindi naman isinasabuhay ang kanilang mga sinasabi.
Bagama’t walang direktang binanggit si Ogie kung sino ang kanyang tinutukoy, nakatawag ng pansin sa madlang netizens ang kanyang pahayag.
Aniya, hindi lahat ng mga nagbabahagi ng mga salita ng Diyos ay matuwid.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz rumesbak sa chikang ‘paggamit’ kay Kim Chiu
“Di lahat ng nagbabanggit ng mga bible verses, matitino,” saad ni Ogie.
Pagpapatuloy niya, may mga kilala siya personally na mahilig magpahayag ng Bible verses ngunit taliwas ang ipinapakitang ugali sa totoong buhay.
“May kilala nga ako, sambit nang sambit ng verses, demonyo ang ugali. Nakakadiri,” sey ni Ogie.
Mayroon pa raw mga klase ng rao na tila kinukumbinsi ang kanilang sarili na malapit sila sa Diyos kahit taliwas ang kanilang asal sa kanilang ipinapakita.
“Akala naman niya, napapaniwala niya ang mga tao na siya ay maka-Diyos,” lahad pa ni Ogie.
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, binigyang-diin ng talent manager na ang pananampalataya ay hindi lamang dapat naaalala kapag may pinagdaraanang pagsubok.
Sa halip, iginiit ni Ogie ang paniniwala sa Diyos ay dapat ding maipakita sa pang-araw-araw na kilos at mga desisyon.
“Pag nasasakote, sa Diyos kakapit. Pero pag gagawa ng kagaguhan, di kilala ang Diyos. Juice ko!” hirit pa niya.
The post Ogie Diaz sa mga feeling ‘maka-Diyos’: Demonyo ang ugali! appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/451426/ogie-diaz-sa-mga-feeling-maka-diyos-demonyo-ang-ugali
Original author: pdelrosario





