
AMINADONG na-guilty ang talent manager at host na si Ogie Diaz noong maging endorser siya ng online sugal.
Mainit sa mata ng netizens ngayon ang mga celebrities na nag-eendorso ng online gambling dahil maraming buhay na ang nasira dahil dito.
Ang iba sa mga celebrities ay matagal nang nag-endorso pero hindi naman sila gaanong pinansin noon unlike ngayon na talagang trending pa lalo’t na-call out na sila ng gobyerno para pagbawalan.
Ipinagbabawal sa celebrities, vloggers at social media influencers ang promosyon o nag-a-advertise ng mga online gambling platforms.
At isa nga si Ogie sa umaming guilty siya dahil naging endorser din siya ng online gambling noon na nakuwento niya sa “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi, Tamerlane Mopia, Ate Cora at Ate Mrena.
Aniya, “Sa totoo lang ako rin naman ay nakapag-endorse rin at guilty ako diyan dahil nakapag-endorse ako once upon a time pero mula noon ayoko na.
“Kasi parang ang hirap i-endorse ‘yung isang bagay na hindi mo naman ginagawa pero ipararamdam mo sa mga tao na ginagawa mo ‘yun at nae-excite ka lagi na gawin ito (sabay pakita ng larawang kasama sina Luis Manzano at Marco Gumabao para sa isang gamblinvg app).
Baka Bet Mo: Ogie Diaz rumesbak sa chikang ‘paggamit’ kay Kim Chiu
“Sa totoo lang karamihan ng mga artistang kinuhang endorser hindi naman naglalaro, hindi naman naka-immerse sa game,” esplika ni Ogie.
“Kasi ‘Nay dahil sa kasikatan, ang dami mong followers in-encourage mo sila (public) to engage ro’n sa online gambling,” esplika ni Mama Loi.
Naikuwento pa ni Ogie na muli siyang inalok maging endorser ng nasabing online gambling pero tumanggi na siya.
“Kasi marami kang nahihikayat na naniniwala sa ‘yo na, ‘si Ogie naman ang nag-endorse panatag naman loob ko baka manalo,’ yan puwedeng ikahirap ‘yun.
“Pangalawa, e, hindi naman talaga ako sugarol kaya ‘yun nga naglalabasan ang mga pangalan ng celebrities o personalities nan age-endorse niyan,” esplika nito.
Binanggit nito ang mga pangalan nina Vice Ganda, Bea Alonzo at Andrea Brillantes, Piolo Pascual at Maine Mendoza, Kim Chiu, Alden Richards, Vic Sotto at Heaven Peralejo na mga endorser din.
“Bumaba ba ang tingin natin sa kanila dahil nag-endorso sila ng online gambling? Kung bumaba choice n’yo ‘yun, kung wala naman kayong pakels (pakialam) wala naman merito ‘yun, e, di okay,” sabi pa.
Nabanggit din ang pangalan ni Coco Martin na tumatanggi sa offers na maging ambassador ng online gambling.
“Si Coco Martin ayaw niyang mag-endorse sinabi na niya ‘yan ayaw niya at may offers siya at malalaki, millions (talent fee),” diin ni Ogie.
The post Ogie Diaz na-guilty nang mag-endorse ng online sugal: Ayoko na appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/450940/ogie-diaz-na-guilty-nang-mag-endorse-ng-online-sugal-ayoko-na
Original author: pdelrosario





