
TRULILI kaya na hindi pa makapunta ng Japan ang magulang ng biglang sikat na youngstar dahil nagkaroon ng problema sa immigration.
Ang nanay daw ng biglang sikat na youngstar ay nag-aayos ng papeles dahil ang pangalan niya ay ginamit daw ng kaibigan nito para makapunta sa nasa nasabing bansa.
“’Yung kaibigan kasi ng mama ni ____ (biglang sikat na youngstar) nagkaproblema sa Japan kasi nag-overstay, kaya forced deportation at pinagmulta. E, that time wala naman planong pumunta ng Japan ang mama ni bagets.
“Kaya ginamit ang pangalan nu’ng nanay ni ____ (biglang sikat na youngstar), e, di pabalik-balik na kasi wala ng record, passport lang naman kasi ang tsine-check noon, di ba?
“E, ngayon mamamasyal sila ng Japan, ending may record, kaya inaayos tapos may mga babayaran pa. Ang daming isa-submit na papers bilang patunay,” tsika ng aming source.
* * *
Mas pinatitibay ng ABS-CBN ang koneksyon sa mga Pilipino sa buong mundo sa pangunguna ng BINI sa bagong digital campaign na “Together Forever,” tampok ang sarili nilang bersyon ng kantang “Dahil Sa ‘Yo.”
Napapanood sa music video ang recording session ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, kung saan bida ang tagos sa puso nilang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilya na patuloy na tumatangkilik sa kwento at musikang Pilipino saan man sa mundo.
Nagsisilbi itong official anthem ng kampanya para ipagdiriwang ang pagiging ‘together forever’ ng mga Pilipino dahil maaari nilang i-enjoy ang mga minamahal nilang programa at makabuluhang karanasan kahit saan mang parte sila ng mundo sa mas pinalawak na online platforms ng ABS-CBN.
Handog ng ABS-CBN ang “Together Forever” campaign para ipagpatuloy ang layunin ng kumpanya na maabot ang serbisyo nito sa mas maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagpapalawak sa online platforms nito.
Sa pamamagitan ng mga programa at artista ng ABS-CBN, nananatiling konektado ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa Kapamilya Online Live at iWant, kung saan hassle-free ang panonood ng mga paboritong Kapamilya programs na available online ng 24/7.
Damhin ang kwento ng mga Pilipino sa “Dahil Sa ‘Yo” music video ng BINI at tumutok sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
The post Nanay ng biglang sikat na youngstar nagkaproblema sa immigration appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/446582/nanay-ng-biglang-sikat-na-youngstar-nagkaproblema-sa-immigration
Original author: esantiago





