
LAUGH trip ang madlang pipol sa naging eksena ng Kapamilya TV host-comedian na si Ryan Bang at ni Kapuso actress Max Collins sa “It’s Showtime”.
Sa nakaraang episode ng noontime show ng GMA 7 at ABS-CBN, nagpasabog ng katatawanan at good vibes ang dalawa dahil na rin sa panunukso ni Unkabogable Box-office Superstar Vice Ganda.
Pak na pak sa mga manonood at netizens ang pabirong pag-aya ni Max kay Ryan na “magmukbang” silang dalawa.
Sa segment na “Miss Q&A” ng programa, humirit si Vice Ganda kay Max kung available na ba ang aktres at kung keribels na silang mag-date ng anak-anakan niyang si Ryan Bang.
“It’s weekend, baka gusto mo raw lumabas tonight,” ang pang-uurot ni Vice kay Max.
At mukhang game naman si Max sa panunukso sa kanya na nag-dialogue ng, “Ito na ba yung chance magmukbang tayo?”
Biglang natawa si Meme Vice sabay sabing, “Uy grabe! Mukbang daw oh! Oh, panood niyan ah. Kapag nagmukbang kailangan may nanonood. Hindi puwedeng mukbang pero walang nanonood.”
Feeling ng mga netizens na nakapanood sa video clip ng naturang eksena sa “It’s Showtime” na in-upload sa social media ay double meaning ang pagkakabanggit ni Vice ng “mukbang.”
Baka Bet Mo: Yeng Constantino kay Ryan Bang: Patawarin mo ako, sorry talaga
Sa mga hindi pa aware, ang mukbang ay isang online content kung saan lumalafang nang bonggang-bongga ang isang tao o grupo habang kinukunan ng video.
Kadalasang maraming nakahaing pagkain sa harapan ng mga kasali sa vlog habang sika’y nagkakainan at nagchichikahan.
Maraming natawa sa hirit nina Max at Vice Ganda sa hinggil sa mukbangan dahil nga dalawa ang naging ibig sabihin nito sa mga manonood, lalo na yung mga malilisyoso! Ha-hahahaha!
The post Max Collins game na game makipagmukbangan kay Ryan Bang! appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/454364/max-collins-game-na-game-makipagmukbangan-kay-ryan-bang
Original author: esantiago












