
ISA na namang pangarap ang natupad para kay Maris Racal sa kanyang karera matapos makuha ang kauna-unahan niyang Best Actress award!
Sa isang Instagram post, buong pagmamalaking ibinandera ng Kapamilya star ang ilang pictures habang hawak ang tropeo para sa kanyang panalong Best Lead Performance of 2025 para sa pelikulang “Sunshine.”
Naganap ang pagkilala sa 6th Pinoy Rebyu Awards, na ipinagkaloob ng Society of Filipino Film Reviewers.
“My first Best Actress WIN [crying emoji] Thank you @sffrpinoyrebyu for this recognition. This will always be special to me [heart hands emoji],” emosyonal niyang caption.
Baka Bet Mo: Maris Racal ‘plot twist’ si Gian Bernardino, may something nga ba?
Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa kanyang mga kaibigan, kasamahan sa industriya, at mga tagahanga na matagal nang sumusuporta sa kanyang paglalakbay bilang artista.
“Congratulations @mariesteller. So proud of you! [raising hands emojis],” sey ng ABS-CBN executive at batikang aktres na si Charo Santos.
“congrats marisss!!” komento naman ni Kyle Echarri.
“So proud of you! First of many!!! [heart emoji],” wika ni Darla Sauler.
Matatandaang hindi naging biro ang paghahanda ni Maris sa kanyang papel sa “Sunshine” na idinirehe ni Antoinette Jadaone.
Sa katunayan, isang buong taon siyang nagsanay at naghanda para mabigyang-buhay ang kanyang karakter sa pelikula.
Nagbunga naman ang lahat ng kanyang sakripisyo dahil bukod sa pagkapanalo niya bilang Best Actress, nagtagumpay rin ang pelikula sa international stage matapos nitong maiuwi ang Crystal Bear for Best Film sa 75th Berlin International Film Festival noong February 2025 bago ito ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong Hulyo ng parehong taon.
Noong January 2024 pa lamang ay inamin na ni Maris kung gaano kalaki ang naging epekto ng proyekto sa kanyang buhay at karera bilang aktres.
“Sa film na ‘to, I’ve grown so much as an actress,” saad niya noon.
Para kay Maris, higit pa sa isang pelikula ang “Sunshine” dahil dala nito ang isang mensaheng nais niyang maiparating sa mas maraming tao.
“Ito ‘yung project na magiging proud ako na nagawa ko dahil sa sobrang ganda ng mensahe,” sambit niya sa isang interview noon.
Aniya pa, “Forever kong babaunin ang natutunan ko dito.”
The post Maris Racal nakamit ang 1st-ever Best Actress award: Will always be special to me! appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/448855/maris-racal-nakamit-ang-1st-ever-best-actress-award-will-always-be-special-to-me
Original author: pdelrosario





