
NANANATILING hindi apektado ang TV host-actress na si Mariel Padilla sa mga isyung kinakaharap ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla.
Sa isang interview ng ABS-CBN News, inamin ni Mariel na matagal na niyang natutunang maging matatag sa harap ng mga batikos at kontrobersiya, lalo na’t asawa siya ng isang pulitiko.
“I don’t get affected like how people would like or think I would. No. With everything thrown our way, kung mahina ako, baka. But I am surprised with how strong I am,” sey niya.
“At this point, makakapitan mo is everything is God’s will. Siguro sa age ko na din—ipagpapasa Diyos mo na talaga,” sambit niya.
Baka Bet Mo: Kiko Pangilinan, Robin Padilla nagkainitan sa sesyon ng Senado
Ayon pa sa kanya, hindi rin gaanong naaapektuhan si Robin sa mga puna at isyung ibinabato rito.
“Robin is really great. Sobra. Before, he would tell me ‘wag ko bigyan ng oras. Sa kanya ko natutunan,” kwento niya.
Bagama’t bihira nilang pag-usapan ang trabaho ng senador sa bahay, sinabi ni Mariel na buo ang kanyang tiwala sa desisyon ng mister kaya wala siyang dahilan para mabahala.
“My question is always— ‘are you OK?’ If he tells me he is OK, we are all good. OK na. Ganon lagi pag sinabi niya OK, hindi na ako kailangan mag-aalala kasi sinabi niya…if OK, then normal tayong lahat,” paliwanag niya.
Sa kabila ng ingay sa mundo ng politika, iginiit ni Mariel na payapa at normal ang kanilang buhay-pamilya.
“We do our normal everyday thing. Politika lang naman lahat ng magulo. Kami OK kami. Hindi kami magulo. Politika lang magulo,” giit niya.
Bilang asawa, tiniyak naman ni Mariel na patuloy niyang susuportahan si Robin sa anumang hamon na kanyang haharapin.
“I make sure we have a healthy meal, something home cooked. Yung gusto niya… Always naman we stand by his principles and courage. We pray for him and his safety,” aniya.
The post Mariel sa mga batikos laban kay Robin Padilla: ‘Pulitika lang magulo, hindi kami!’ appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/447337/mariel-sa-mga-batikos-laban-kay-robin-padilla-pulitika-lang-magulo-hindi-kami
Original author: pdelrosario





