
Hindi pa kakayanin ni Senator Rodante Marcoleta base sa mga resulta ng kanyang medical check-up sa PNP General Hospital (PNPGH) sa Camp Crame.
Base sa huling medical report, kailangan sumailalim sa rehabilitation therapy ni Marcoleta matapos madiskubre na siya ay may degenerative disc disease.
Bukod dito, may mild pneumonia din ang senador at mataas pa rin ang kanyang blood pressure, ayon kay PNPGH Chief of Internal Medicine, Lt. Col. Benaly Bayani.
Baka Bet Mo: Marcoleta inunahan ang warrant of arrest, inaresto sa Sandiganbayan
Ipinaaresto ng Sandiganbayan Third Division noong nakaraang Lunes ang senador base sa kinakaharap na kasong plunder o pandarambong.
Habang sumasailalim sa booking process dumaing ng pananakit ng dibdib si Marcoleta kaya’t dinala ito sa PNPGH mula sa main office ng PNP-CIDG sa Camp Crame.
Samantala, hiningi na ng korte sa pambansang pulisya ang ulat kaugnay sa booking process at resulta ng medical and physical check-ups ni Marcoleta.
Inatasan ang PNP na isumite ang ulat sa loob ng 24 oras.
The post Marcoleta may mild pneumonia, spine problem, high BP – PNP doctors appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/449794/marcoleta-may-mild-pneumonia-spine-problem-high-bp-pnp-doctors
Original author: aarceo





