Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

15 + 6 =

Page views: 35

MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Nikko Natividad kuripot tulad ng ama

by | Jun 16, 2026

MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Nikko Natividad kuripot tulad ng ama
Nikko Natividad at Cielo Mae Eusebio kasama ang kanilang mga anak

KUNG may isang ugali na nagetsing o namana ng aktor na si Nikko Natividad sa kanyang ama, yan ay ang pagiging kuripot.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Father’s Day sa darating na Linggo, June 21, eksklusibong tinanong ng BANDERA ang ilang celebrities kung anu-anong qualities ang namana nila sa kanilang mga tatay.

Isa na nga riyan ang content creator, actor at original member ng Hashtags na si Nikko Natividad.

Unang question namin sa kanya kung anong klase ba siyang ama sa kanyang mga anak.

“Ako yung tatay na makulit, ako yung nagpapasaya sa bahay kasi kung naibibigay ko yun sa mga audience ko, sa mga kaibigan ko, sa social media, dapat ganoon din sa bahay, eh. 

“Kasi sila sila yung number one fan ko, mga anak at asawa ko,” aniya. 

Hands-on dad pa rin ba siya sa kabila ng pagiging busy sa pagtatrabaho? 

“Yes, oo. Dapat talaga lalo na kapag walang work, doon ako bumabawi, e. Kailangan namin lumabas kasi nakatira kami siyempre sa city, so hindi sila nakakalabas kung gusto nilang bumaba ng bahay kasi nasa probinsya nga. 

“So, pambawi sa kanila, yung mga laruan sa mall or travel kami, sa Baguio, sa Zambales. Kasi nakakatalino talaga sa bata yung pagta-travel nang madalas,” sabi ni Nikko.

Ano naman ang mga namana mong ugali or traits sa father mo? “Namana ko sa tatay ko pagiging kuripot. Pero ako yung kuripot na hindi madamot. Iba yung madamot sa kuripot. Tandaan natin yan.

“Kuripot ako in a way na kahit yung dos piso, tatanungin ko yan, para sa mga kasambahay ko na basta ibalik n’yo. Kahit humingi ka, ibibigay ko pero gustung-gusto ko yung nagbabalik ng sukli kahit piso kasi nako-compute ko yan, e,” esplika niya.

Ano naman ang message for your children and of course sa misis mo? “Sa mga anak ko, love na love ko sila. Pinipilit ko talagang maging role model para sa inyo. 

“Sa wife ko, alam mo yan. Alam mo pinagdaaanan natin. Thank you sa love na ibinibigay mo sa akin. Napakalaki ng puso mo. Mahal na mahal kita!” ang pahayag ni Nikko Natividad.

The post MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Nikko Natividad kuripot tulad ng ama appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM