Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

6 + 8 =

Page views: 27

Mamahaling kotse na ibinandera ni Nikko Natividad sa socmed ‘minalisya’

by | Aug 5, 2026

Mamahaling kotse na ibinandera ni Nikko Natividad sa socmed 'minalisya'
Nikko Natividad

NAGING sentro na naman ng tsismis at intriga ang aktor at former Hashtags member na si Nikko Natividad.

Pinagpiyestahan ng mga Marites ang post ni Nikko sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang litrato niyang nasa harap ng luxury car na Mercedes-Benz G-Wagon.

Ibinandera ito ni Nikko after ng opening ng Vietnamese coffee shop na pag-aari nila ng kanyang wifey na si Cielo Eusebio with some business partners, ang Ca Phe Xanh.

Mababasa sa IG post ni Nikko  “Mag isang buwan palang ang @caphexanh.ph pero nabili ko na ang pangarap kong G-wagon. Pag nakuha mo talaga ang tamang formula maaabot mo talaga lahat ng gusto mo.”

Hirit pa ng aktor at content creator, “SIPAG TYAGA AT KONTING MANNY LAUNDRY (emoji).”

Sa Pilipinas, ang Mercedes-Benz G-Class ay nagkakahalaga ng P16.99 million hanggang P22.99 million depende sa mga pipiliing special features ng customer.

Maraming natuwa at nag-congratulate kay Nikko thinking na totoong nabili niya ang naturang sasakyan pero may mga nambasag din sa kanya at hindi negets ang biro niya.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad looking ng bagong yaya para sa anak: ‘Yung maganda, sexy!

Isang Reddit user ang nag-share ng screenshot ng post ng aktor sabay bengga sa kanya ng, “Nilagay nalang sa caption para kunwari joke pero sa totoo may halong laba talaga? Haha.”

Nang makarating ito kay Nikko, ni-repost naman niya ang screenshot ng hanash ng netizen na kumalat sa Reddit sa kanyang Instagram account.

Paglilinaw niya, for the content lang ang kanyang post at hindi talaga niya nabili ang pagkamahal-mahal na sasakyan.

“Grabe naman kayo pinag uusapan nyo agad ako sa reddit. Imposible naba makapag patayo ako ng coffee shop. Baba naman tingin nyo sakin.

“Regarding g-wagon wag kayo mag alala pag meron na talaga ako nyan mag uunboxing pako naka live. Eh content nga ni.

“Kung mayaman na talaga ako hindi ako magpupunas ng mesa sa @caphexanh.ph ???? Pumunta kasi kayo para makita nyo,” ang mababasa sa post ni Nikko.

In fairness naman sa mag-asawang Nikko at Cielo, bukod sa Cà Phê Xanh, may iba pa silang negosyo na naipundar nila sa loob ng ilang taon, kasama ang kanilang business partners.

Kabilang na riyan ang Sunset Serenity Beach House, isang Airbnb property sa Iba, Zambales. May sarili ring wellness and beauty brands si Cielo.

The post Mamahaling kotse na ibinandera ni Nikko Natividad sa socmed ‘minalisya’ appeared first on Bandera.

LATEST PHOTO ALBUM RELEASES

Upcoming Events

No upcoming events found.

LATEST PHOTO ALBUM RELEASES

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM