Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

11 + 15 =

Page views: 29

Loren Legarda pinagdiinang ilegal ang nangyaring quorum sa Senado

by | Jun 6, 2026

Loren Legarda pinagdiinang ilegal ang nangyaring quorum sa Senado

NANINDIGAN si Sen. Loren Legarde na ilegal ang naganap na quorum ng dating minority bloc noong June 3, kung saan itinalaga bilang Senate Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian.

Sa kanyang Facebook page, naglabas ang senadora ng official statement sa pamamagitan ng isang video kung saan inilahad niya ang saloobin sa pangyayari.

Giit ni Legarda, malinaw na nakasaad sa 1987 Philippine constitution na walang sinumag senador ang maaaring maging Senate President ng Senado kung hindi ito makakakuha ng 13 o higit pang boto. 

“Walang sinumang Senador ang maaaring lehitimong tumayo bilang Pangulo ng Senado batay lamang sa labindalawang boto. Ito ay pinagtibay sa ilalim ng 1987 Constitution. Sa Article VI, Section 16, Subsection 1 ng 1987 Constitution: ‘The Senate shall elect its President by a majority vote of all its Members.’

Baka Bet Mo: Loren Legarda muling nahalal bilang Senate President Pro Tempore

“Ang ibig pong sabihin, makakapag-halal lamang ng isang Senate President kung makakuha siya ng mayoryang boto ng lahat ng miyembro ng Senado,” saad ni Loren.

Dagdag pa niya, “Ayon sa Konstitusyon, dalawampu’t apat ang kabuuang bilang ng mga halal na Senador. Kaya naman labintatlo ang kinakailangan para magkaroon ng mayorya.”

Diin pa ni Legarda, nakasaad din daw sa Rule II, Sec. 2 ng Senate Rules na maaari lang makapagtalaga ng mga pangunahing opisyal ng Senado kung makakakuha ang mga ito ng humigit 13 votes mula sa 24 na total count ng mga senadors

Partikular ito sa mga puwesto ng Senate President, Senate President Pro Tempore, Senate Secretary, at Sergeant-at-Arms.

Pagpapatuloy ni Legarda, nakasaad din daw sa Rule XV, Sec. 44 ng Senate Rules na tanging 13 o higit pa ang maaari lang makakuha ng quorum sa Senado at hindi raw lehitimo ang isinagawang quorum ng mga senador noong June 3.

“Kulang ng isang boto para masabing mayorya ng lahat ng miyembro ng Senado ang bumoto para sa pagbabago ng liderato. 

“Samantala, sa chairmanship naman ng mga Komite ng Senado, malinaw din ang Saligang Batas sa ilalim ng Art. VI, Sec. 16(2), kung saan sinabi na a majority of each House shall constitute a quorum to do business,” sey ni Legarda.

Aniya, maaaring maabuso ng mga senador ang basta na lang pagbabalasa ng Senado sa mga panahong may ilang mga miyembro nito ang magkakasakit, nasa ibang bansa, naaresto, nadetina, at pansamantalang hindi makakadalo sa sesyon. 

Pahayag pa ni Loren. “Kapag nangyari po ‘yon, hindi na representasyon ng taumbayan, interes at isyu ng panahon ang magtatakda kung sino ang nasa mayorya at mga opisyal ng Senado.

“Dapat manatiling, representasyon, interes ng nakararami, performance ng bawat isa, at issue ng panahon ang batayan kung sino ang magiging mayorya at pinuno ng Senado.”

Giit niya, dapat na ipaglaban nila ang ipinag-uutos ng Konstitusyon para sa institusyon at bawat Pilipino. 

“Si Loren Legarda po, ang inyong Senate President Pro Tempore,” pagtatapos pa niya.

The post Loren Legarda pinagdiinang ilegal ang nangyaring quorum sa Senado appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM