Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

4 + 1 =

Page views: 31

Lady Gaga nanganak na, officially in her mommy era

by | Sep 12, 2026

Lady Gaga nanganak na, officially in her mommy era

OFFICIALLY in mommy era na ang award-winning singer na si Lady Gaga matapos nitong kumpirmahin na isinilang na niya ang panganay nilang anak ng kanyang fiancé na si Michael Polansky.

Sa inilabas na ulat ng PEOPLE, ibinahagi ng singer ang masayang balita tungkol sa pagiging ganap nang ina.

Sa kabila ng pagkukumpirma ay wala naman nang ibinigay pang ibang detalye si Lady Gaga hinggil sa kanilang baby.

Labis naman ang tuwa ng kanyang mga supporters sa bagong chapter ng buhay ng kanilamg iniidolo.

Baka Bet Mo: Trailer ng ‘Joker 2’ nina Lady Gaga, Joaquin Phoenix ibinandera na

Unang napansin ng publiko ang pag-iibigan nina Lady Gaga at Michael noong 2020 kung saan nagsimula ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon matapos maispatan silang naghahalikan habang ipinagdiriwang ang New Year sa Las Vegas.

Naging bukas na sa publiko ang kanilang relasyon makalipas ang ilang linggo nang makita silang magkasama sa Miami noong weekend ng Super Bowl.

Nag-propose si Michael kay Lady Gaga noong 2024.

Lumabas ang balita tungkol sa kanilang engagement noong Paris Olympics matapos makuhanan sa isang TikTok video na ibinahagi ni French Prime Minister Gabriel Attal noong Hulyo 28 ang singer na tinutukoy si Michael bilang kanyang “fiancé” habang magkasama nilang pinapanood ang isang swimming event.

Sa isang panayam noong 2025 kay Stephen Colbert sa The Late Show with Stephen Colbert, ibinahagi ni Lady Gaga ang kanyang kagustuhang maging isang ina, at inilarawan ito bilang susunod na papel na nais niyang gampanan.

“I would like to do many things. All of these things are open. But, what I really want is to be a mom. That’s my next starring role, I hope,” pahayag niya.

Sa isa pang panayam sa Elle Magazine noong taon ding iyon, ibinahagi ni Lady Gaga kung paano niya nais palakihin ang kanyang magiging mga anak, at sinabing nais niyang magkaroon ang mga ito ng sarili nilang pag-unawa kung sino siya bilang isang artista at bilang isang tao.

“I would want my children to understand that whatever my artistry means to them is totally up to them. I would never actually want to shape it or tell them how to think about me. Maybe other than that I just did my best. And tried to stay true to myself along the way.

 “That’s something Michael and I have talked about a lot – allowing our kids to be their own people. It’s such an intense thing for kids coming into the world. And they’re told how to think and what to believe in and how to eat…I just kind of want to let my kids find out who they are,” dagdag pa niya.

The post Lady Gaga nanganak na, officially in her mommy era appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM
DIGITAL MARKETING