
NASA Bangkok, Thailand umano ngayon ang aktor na si Ken Chan kung saan siya nagtatrabaho at balitang doon patagu-tago.
Ito ang report sa “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika nitong nagdaang Linggo.
Dalawang taon nang hindi nagpapakita si Ken Chan simula nu’ng isyuhan siya ng warrant of arrest sa kasong syndicated estafa.
Sa dalawang beses na pinuntahan siya sa bahay ng mga otoridad noong Setyembre at Nobyembre, 2024 ay hindi siya nakita dahil tumakas na umano paalis ng bansa.
Maraming Pinoy sources ang nagparating sa “SNN” hosts kung nasaan ang aktor at negosyante ngayon.
“Itong si Ken Chan maraming nagsasabi na palipat-lipat dito sa Asia, tapos sabi nakikita siya sa Vietnam, nakikita siya sa Thailand.
“Pero ang sinasabi ay nagtatrabaho siya roon lalo na sa Thailand sa mga bars alam naman natin ang Thailand din ba tinatawag nilang (censored) country,” ani Nanay Cristy.
“Bakit naman napunta diyan sa ano…’wag na muna ‘yan. Alam ko ‘yan, e, sa Patpong (bars),” saad pa ni ‘Nay Cristy.
Say ulit ni Wendell, “Siguro maraming kaibigan si Ken Chan, maraming kakilala maraming tumutulong kaya siguro nakapag-trabaho siya sa mga bars.”
Marami nang naging kaibigan ang aktor sa nasabing bansa kaya naman kapag may pumupuntang immigration officers ay itinatago siya.
Say ni ‘Nay Cristy, “Ikaw (Romel Chika) matagal kang nagtrabaho sa Japan, sa ano (Thailand) pala kapag may mga paikut-ikot na immigration officers sa pinagtatrabahuan ni Ken Chan itinatago siya sa CR (comfort room), totoo ba ‘yun?”
Sinang-ayunan ito ni Romel Chika, “Totoo ‘yun! Di ba ‘yung pelikula ni Alden (Richards) at ni Kathryn (Bernardo), sa Hello, Love, Goodbye, nu’ng may nakakita di ba, tumakbo?”
Naikuwento ni Romel Chika ang kanyang naging karanasan sa Japan kung saan matagal siyang naging OFW.
“Sa Japan ‘Nay (Cristy) illegal booking na tinatawag na hindi ka ro’n naka-book pero doon ka nagtatrabaho kasi sa rami ng club ng amo namin at hindi pa makapagdala ng talent doon, dito kami (bar) naka-schedule.
“Pero dahil walang talent, doon (sa ibang bar) kami inilalagay. Alam mo ‘Nay (Cristy) na-experience namin pumapasok kami ng alas-dose ng gabi,” pahayag ng isa sa “SNN” host.
Bakit hatinggabi ang pasok sa bar, tanong nina ‘Nay Cristy at Wendell.
“Kasi wala na ‘yung immigration (officers) pag ganu’ng oras kasi ang officer hours mga hanggang alas nuwebe ng gabi ganu’n,” katwiran ni Romel Chika.
“Kaya pala si Ken Chan kapag umiikot daw ang immigration officers itinatago, wala rin siyang work permit ‘no?” tanong ulit ni ‘Nay Cristy kay Romel Chika.
“Opo, as in talagang nakasubaybay ang immigration, ang tawag sa amin (mga Pinoy sa Japan) Mig-mig. Meron pa minsan isinasarado, (o) sina-shut down ‘yung bar namin pero operational kami, ah, nag-o-operate kami sa loob pero nakasarado kami ro’n, isipin mo? Nakakatakot!” pagtatapat ni Romel.
Hindi naman daw kumakatok ang immigration officers kapag nakitang sarado ang club.
“Kasi pag pipilitin mo puwede silang idemanda ng trespassing. Hindi katulad ng Pilipino na pipilitin ka,” sabi pa ni Romel Chika.
“At ito raw si Ken Chan ayon sa mga Filipino sources natin ang payat-payat, kalbo na at hindi raw dati ganu’n ang itsura, napapabayaan na niya (ang sarili),” tsika pa ni ‘Nay Cristy.
“Natural ‘Nay (Cristy) ilang taon na ba siyang patagu-tago? Siyempre walang peace of mind,” opinyon ni Romel.
Anyway, may balitang susuko na raw si Ken Chan at sasamantalahin niya habang nagkakagulo sa Senado tungkol sa nakawan at iba pang isyu para hindi masentro sa kanya ang atensiyon ng publiko.
“Parang umuwi man siya, sumuko man siya siguro one day pag-uusapan siya pero the next day balik na naman doon sa maiinit na balita, so, palagay mo?” sambit ni ‘Nay Cristy.
“Para matapos na Ken Chan, kasi hindi mo habambuhay matatakbuhan ito,” payo ni Romel Chika.
“Totoo ‘yan mas mabilis tumakbo ang problema kaysa sa atin kailangan harapin mo ‘yan, hindi puwedeng patagu-tago. Isang araw makikita mo hindi na maliit ang Pilipinas (kundi) maliit ang mundo!” say din ‘Nay Cristy.
May isa pang nalaman ang “SNN” hosts, nasa Zamboanga na raw ang aktor.
“Palagay ko kung nasa Zamboanga, lalabas ‘yan alam mo naman ang mga Pilipino, mga Marites (tsismosa). Alam mo naman kung walang peace of mind lahat apektado,” sabi pa ni Nay Cristy.
Nabanggit naman ni Wendell na kaya nakalbo na si Ken Chan ay dahil wala nga itong peace of mind sa kakaisip sa kaso niya.
Pero sabi naman ni ‘Nay Cristy, “Dati nang mataas ang hairline pero ngayon siguro napanot na pero ako makikilala ko siya dahil sa mukha niya.”
The post Ken Chan patagu-tago sa Thailand, payat na payat, nakakalbo na? appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/446576/ken-chan-patagu-tago-sa-thailand-payat-na-payat-nakakalbo-na
Original author: esantiago





