
NAPAIYAK ang Kapuso actress na si Katrina Halili nang makachikahan niya ang kanyang pinsan na si Sheena Halili.
Hindi napigilan ni Katrina na maging emosyonal nang mapag-usapan nila ng kapwa Kapuso star ang tungkol sa mga naging struggle niya bilang single mother.
Naging open din siya sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng dating partner na si Kris Lawrence, ang tatay ng nag-iisa niyang anak na si Katie.
Simulang chika ni Sheena kay Kat, “Kumusta ka? Blooming ka!” na sinagot naman ni Katrina ng, “Oh talaga?”
“Siguro kasi na-forgive mo na,” sundot ni Sheena na wala mang binanggit na pangalan ay maaaring tumutukoy nga kay Kris.
Tugon agad ni Katrina, “Ay, oo. The fact na kinakausap ko na siya, na-forgive na siya.”
Dito na nagsimulang maluha ang Kapuso actress na tinukso pa ni Sheena ng, “Sa ating dalawa, ikaw ‘yung talagang ganu’n. Alam niya. Huwag mo na akong idamay.”
Hirit pang papuri ni Sheena sa kanyang pinsan, “Ang ganda-ganda mo. Kahit ‘yung self-care mo sa video nakikita ko. For the longest time, wala.
“Sabi ko, ‘Ayusin mo nga ‘yung damit mo’. Pupunta sa mall, naka-tsinelas. Ngayon, heels,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres at celebrity mom.
Baka Bet Mo: Katrina Halili kay Kris Lawrence sa makeover sa bahay: Bihira ang ganitong klase!
Mas lalo pang naging emosyonal si Katrina nang amining may mga pagkakataon na nagi-guilty siya dahil hindi niya nabibigyan ng sapat na panahon si Katie.
“Marami akong napapanaginipan last year. Nagso-sorry ako kay Katie. Wala akong time, ganyan,” pagbabahagi ni Kat.
Sey ni Sheena sa kanya, “Okay lang ‘yun. Ngayon lang tayo nagkita. Magkuwento ka na.”
Pagpapatuloy ni Kat, “Kaya ko in-open na okay na kasi dati kapag nagkikita kami, nod lang ganu’n oh. Umaalis na ako. Hindi ko siya pinapansin.”
Pag-alala rin ni Sheena, “Minsan nga umaalis pa tayo kapag parating na siya. ‘Tara na, tara na. Umalis na tayo.’”
“Lalayas, di ba? Kasi nga ayoko siyang makita,” sey ni Katrina kay Sheena. “Ngayon malapitan,” panunukso ni Sheena sa pinsan.
“Dati pagdating niya, magpapa-massage na ako sa taas para hindi ko makita,” dagdag ni Katrina.
Hirit uli ni Sheena, “Tsaka masaya si Katie at masaya ka.”
May mga balitang nagkabalikan na raw sina Kat at Kris pero may chikang nanliligaw pa lang daw uli ang R&B singer sa Kapuso actress.
Sa isang panayam, sinabi ni Kris na hindi niya sasayangin ang “second chance” na ibinigay sa kanya ni Katrina, lalo na ang pagiging tatay ni Katie.
Sey ni Kris sa co-parenting nila ni Kat kay Katie, “I’m very, very grateful that she kept me in the decision that we’re co-parenting a hundred percent and everything is so beautiful right now.
“Napansin namin yung smile ni Katie, a big shift. Katie’s smile is so much better, it’s so genuine. It almost feels like she does not have autism. I believe it’s because the energy is all back and it’s all whole now.
“Now she feels love from both parents. I’m there every single day. She sees that me and Kat are happy.
“The fact that me and Kat are happy, it trickles down to her and it makes her feel secured and loved. The magnitude is just phenomenal,” sabi ni Kris.
The post Katrina Halili naiyak nang balikan past nila ni Kris: Nagso-sorry ako kay Katie appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/450302/katrina-halili-naiyak-nang-balikan-past-nila-ni-kris-nagso-sorry-ako-kay-katie
Original author: esantiago





