
MUKHANG masayang-masaya na naman ang puso ni Katrina Halili matapos ang sorpresa ni Kris Lawrence para sa kanilang anak na si Katie.
Sa Facebook, marami ang kilig na kilig sa isang video mula sa vlog na “HOUSE REVEAL!” dahil bubungad ang napakatamis na eksena ng dalawa na tila nagyayakapan.
Pero ang tunay na flex diyan ay ‘yung ginawang makeover sa kwarto ng mag-ina sa tulong ng singer.
Kalakip nito ang isang emosyonal na mensahe ni Katrina para kay Kris.
Baka Bet Mo: Katrina Halili tinanggap PMPC award ni Kris Lawrence sa stage, fans kilig overload!
“Thank you, Mr. B, sa lahat ng ginagawa mo para kay Katie…at kasali na rin nga pala ako,” bungad niya sa post.
Sey pa niya, “Salamat sa pagiging isang lalaking marunong rumespeto sa babae, marunong maghintay, maalaga, maalalahanin, at nagbibigay nang walang hinihintay na kapalit.”
Pagmamalaki pa ng celebrity mom, “Sa panahon ngayon, bihira na ang mga taong may ganitong klase ng puso.”
Aniya pa, “Sana dumami pa ang mga lalaking katulad mo, ‘yung pagmamahal ay ipinapakita sa gawa, hindi lang sa salita.”
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F27435159082845616%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Noong Hunyo, inamin ni Kris sa “Fast Talk with Boy Abunda” na muli niyang nililigawan si Katrina.
Matatandaan din na nagkaroon sila ng anak na si Katie nu’ng magkasintahan pa lamang sila noong 2012.
Bagama’t tuluyang naghiwalay noong 2014, nanatili silang magkaibigan at epektibong co-parents sa pagpapalaki sa kanilang anak.
The post Katrina Halili kay Kris Lawrence sa makeover sa bahay: Bihira ang ganitong klase! appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/449543/katrina-halili-kay-kris-lawrence-sa-makeover-sa-bahay-bihira-ang-ganitong-klase
Original author: pdelrosario





