Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

14 + 3 =

Page views: 21

Kakki Teodoro, Janine Teñoso bida sa bagong OPM musical na ‘Muli’

by | Sep 12, 2026

Kakki Teodoro, Janine Teñoso bida sa bagong OPM musical na ‘Muli’
PHOTO: Courtesy of Muli Team

HINDI lang basta puro kantahan ang hatid ng bagong musical na “Muli: An OPM Musical” dahil may mga kwento rin ito na puno ng pag-ibig, pangarap, pamilya, at mga “what if” sa buhay.

Pinagbibidahan nina Gawad Urian-winning actress Kakki Teodoro at tinaguriang OST Princess na si Janine Teñoso ang “Muli,” na nagbukas na para sa tatlong-weekend nitong pagtatanghal sa Taguig City.

Naging bahagi ang BANDERA sa exclusive preview at opening night ng musical, kung saan nasaksihan ang makulay at emosyonal na pagtatanghal ng cast.

Sa loob ng humigit-kumulang dalawa’t kalahating oras, mapapanood ang kwento ni Anita (Kakki), isang 42-anyos na housewife na halos dalawang dekada nang inilalaan ang buhay para sa kanyang pamilya.

Baka Bet Mo: ‘Spring Awakening’ balik-entablado sa 2027; mas intense, mas mapangahas!

Ngayong malaki na ang kanyang anak na si Kath (Janine) at tila naiwan na ang malaking bahagi ng kanyang kabataan, nabigyan si Anita ng pagkakataong silipin at maranasan ang iba’t ibang bersyon ng buhay na maaari sana niyang pinili.

Dito niya matitikman ang tagumpay, pag-ibig at kaligayahang minsan niyang pinangarap, pero kasabay din nito ang mga hindi inaasahang kapalit ng bawat desisyon.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1102511669133844%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

“At its heart, Muli is about learning to love the life that is ours, even with all the challenges and uncertainties that inevitably come with the moments that make it beautiful,” sey ni Charissa Pammit, ang producer ng show, at co-writer ng libro at lyrics kasama ang kaibigang si Jose Paolo dela Cruz.

Mas lalong naging kakaiba ang “Muli” dahil hindi lang iisang tunog ang maririnig sa musical.

Sa pangunguna nina musical directors at composers Nica del Rosario at Matthew Chang ng FlipMusic, tampok sa palabas ang 11 original songs na dumaan sa iba’t ibang genre ng OPM.

Hindi rin nagpigil ang creative team sa pag-explore ng iba’t ibang tunog para mas maipakita ang paglalakbay ni Anita sa mga mundong maaari sanang naging buhay niya.

“Much like Anita jumping from one universe to another, the musical writing process was a fun, wild, emotional roller coaster ride. We explored the many iconic ‘eras’ and genres of OPM—from Fliptop-style hiphop, acoustic bands, to ‘90s bubblegum pop, and so on,” sey nina Chang at Del Rosario.

Sa direksyon ni Andrei Pamintuan, nakasama rin sa naturang show ang ilan sa mga batikang pangalan sa Philippine theater.

Kabilang sa ensemble cast sina Vien King, Marvin Ong, Justine Peña, at Marynor Madamesila.

Makiki-level up rin sa kanyang unang professional theater production ang social media creator at Dog Show Diva host na si Baus Rufo.

Samantala, si Santi Obcena ang nasa likod ng costumes, habang si Joe Abuda ang choreographer ng mga dance number. 

Ang makulay namang set design ay mula kay D Cortezano.

Mapapanood ang “Muli: An OPM Musical” tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo hanggang September 27 sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater sa BGC Arts Center, Taguig City.

Available na ang tickets sa Ticketworld at sa official website ng musical.

The post Kakki Teodoro, Janine Teñoso bida sa bagong OPM musical na ‘Muli’ appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM
DIGITAL MARKETING