
PUMALAG ang singer-comedienne na si Kakai Bautista matapos silang tawaging “engkanto” at “witches’ ni Ai Ai delas Alas.
Nag-post kasi si Ai-Ai ng isang short reel noong Biyernes, September 11, kung saan ibinandera niya ang pagrampa sa isang fashion show ng isang jewelry seller.
Isa si Kakai sa mga nag-comment sa naturang post ni Ai Ai.
“ANG GANDA MO,” komento niya.
Baka Bet Mo: Kakai Bautista nagbanta sa mga vlogger: Pwede kayong makulong!
Reply ni Ai-Ai kay Kakai, “ang ganda mo din!!!”
Pero isang netizen ang sumingit sa usapan ng dalawa at nag-comment rin.
“nagbuluhan at nagplastikan ang mga ENGKANTO.!!! MALAYO PA ANG HALLOWEEN BAT LUMALABAS NA ANG MGA WITCHES!!!” singit ng netizen sa usapan nina Kakai at Ai Ai.
Hindi naman ito pinalagpas ng komedyana at agad na tinalakan ang naturang netizen.
Sey ni Kakai, “hindi kailangan ng okasyon para lumabas ang mga katulad kong witch.
“Hindi kame katulad mong kailangang magtago sa isang image na hindi ikaw para MAKA-KAIN, magkaroon ng TRABAHO at ma makaSURVIVE sa buhay.”
Bukod pa rito, isinumpa din ni Kakai ang naturang netizen.
“Ang sumpa ko, PATULOY KANG MAGING MISERABLE kase DESERVE MO. [fire emojis],” sabi pa ng komedyana.
Marami naman sinabi pa ang naturang basher ngunit hindi na ito sinagot pa ni Kakai.
The post Kakai Bautista, Ai Ai tinawag na ‘engkanto’, isinumpa ang basher appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/454718/kakai-bautista-ai-ai-tinawag-na-engkanto-isinumpa-ang-basher
Original author: aarceo












