Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

2 + 3 =

Page views: 15

Jolina Magdangal, Marvin Agustin balik-tambalan sa serye ng TV5

by | Jul 22, 2026

Jolina Magdangal, Marvin Agustin muling magsasama sa serye ng TV5
Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Dominic Ochoa, Enrico Santos, Roman Perez at Guido Zaballero (Photos from Roman Perez Facebook)

BALIK-TAMBALAN ang MarJo loveteam nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa telebisyon at mapapanood uli sila sa last quarter ng 2026.

Base sa tsikahan namin ng TV executive na si Enrico C. Santos kagabi ay mapapanood sina Marvin at Jolina sa morning soap ng TV5,  ibig sabihin eere ito bago ang “Eat Bulaga.”

Hmmmm, mala-“Be Careful of My Heart’ ba ang peg? Sa umaga rin kasi umere noon ang Jodi Sta. Maria at Richard Yap series na naging hit sa loob ng dalawang taon at apat na buwan (July 2012-November 2014).

Say ni ECS (tawag namin kay Enrico), makakasama rin sa serye si Dominic Ochoa at ilang StarWorx artists na produkto ng Kapatid network.

“Bukas (ngayong araw) ko kukunin full cast, ah,” sabi ng consultant ng TV5.

Sina Enrico at Mr. Guido Zaballero, Presidente at CEO ng TV5 ang nag-offer kina Marvin at Jolina na gumawa sila ng serye together.

Sa tanong kung sino ang magdidirek, “Si Roman Perez at siya rin line producer.”

Baka Bet Mo: Jolina napaiyak, hirap na hirap bilang ‘single parent’ sa 2 anak

Nagulat kami dahil mas nakilala naming pawang sexy at action na pelikula ang ginagawa ni Direk Roman for Vivamax.

“Kenkoy ‘yun!” kaswal na sagot ni Enrico.

Dagdag pa, “Dating drama and comedy ng ABS (CBN) at GMA project niya.”

Nabanggit ang working title ng MarJo series, “Ano ba mas magandang title, Mommy Guard o Guard Ko si Babe?”

Sinagot namin ng “Mommy Guard” para mas madulas ang pagbigkas, at nag-thumbs up naman si ECS.

So, mag-asawa sina Marvin at Jolina sa kuwento? “Hindi,” ang sagot sa amin.

Well, ang sure lang ay may relasyon sina Marvin at Jolina sa comeback series sila dahil sa tawagan nila sa istorya.

The post Jolina Magdangal, Marvin Agustin balik-tambalan sa serye ng TV5 appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM