
NAGSALITA na ang Kapuso actress na si Jillian Ward patungkol sa estado ng kanyang love life.
Sa kanyang guesting sa “Fast Talk With Boy Abunda” naging bukas ang dalaga sa pagbabahagi na nais niyang panatiluhing pribado ang kanyang buhay pag-ibig sa kabila ng kanyang pagiging public figure.
Nausisa kasi si Jillian tungkol sa kung mayroon na nga bang nagpapakilig sa kanya at sino ito sa mga nali-link sa kanya.
Ilan sa mga lalaking nabanggit ni Tito Boy ay sina Raheel Bhyria, Eman Bacosa Pacquiao, at ang latest ay si Kobie Brown.
Baka Bet Mo: Jillian Ward pumapag-ibig na: Magsisinungaling ako ‘pag sinabi kong hindi
“Recently, na-realize ko na I want to keep this part of my life na private,” panimula ni Jillian.
Pagpapatuloy niya, “Kasi gusto ko rin pong maprotektahan ‘yong mga tao sa paligid ko, whether family ko ‘yon, or friends ko, or loved ones.”
Ani Jillian, nais niya kasing protektahan ang privacy ng mga taong mahahalaha sa kanya.
“Gusto ko na maging private siya para mas ma-cherish ko ‘yong mga connections ko, relationships ko, with people. And I want to protect their privacy,” sey ng dalaga.
Nirerespeto naman daw ni Tito Boy ang desisyon ni Jillian at hindi na ito inurirat pa.
“No matter how public we are, we have the right to say that…kasi anything that is public about a public person is public,” sey ng TV host.
Para sa mga hindi aware, naispatan kamakailan si Jillian kasam si Kobie nammng manood siya ng concert ni Jessica Sanchez.
The post Jillian Ward ayaw ipangalandakan ang buhay pag-ibig, dyowa nga ba si Kobie Brown? appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/447419/jillian-ward-ayaw-ipangalandakan-ang-buhay-pag-ibig-dyowa-nga-ba-si-kobie-brown
Original author: aarceo





