
UMANI ng libu-libong “pogi points” ang award-winning actor na si Jericho Rosales dahil sa ginawa niya kay Janine Gutierrez.
Pinusuan at sandamakmak na positibong komento ang nagetsing ni Echo nang buhatin niya ang kanyang girlfriend para itawid ito sa baha at hindi mabasa.
Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang mga litrato at video ng celebrity couple kung saan makikita nga si Jericho na tumatawid sa baha habang buhat-buhat na parang Disney Princess si Janine.
Nasa Los Angeles, California ngayon ang dalawang Kapamilya stars para sa Manila International Film Festival.
In-upload sa Instagram ng manager ni Jericho na si Pinky Tady-Angodung ang video na kuha sa Beverly Hills at masasaksihan nga rito kung paano kinarga ng kanyang alaga si Janine.
“Coz it’s raining in Manila, pati dito sa Hollywood,” ang mababasa sa caption ni Pinky sa kanyang IG post.
Sa comments section, nag-dialogue si Janineng, “Akala ko tatalon kami patawid eh.”
Baka Bet Mo: Lotlot de Leon bet na bet si Jericho para kay Janine: ‘A wonderful man’
Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizen sa sweet “baha” moment nina Echo at Janine
“Ama namin, nasan yung amin??”
“The more i admire jericho that much..very consistent pagiging gentleman nia…sarap sa feeling ..parang princess nini nmin..luv u both thanks miss.Pinky for capturing that precious moment for us.”
“I knew Echo would do the right thing.”
“10000 pogi points. Guys.. LEARN.”
“Ay ang sweeeeet sanaol talaga hahaha!”
“Disney Princess yan siya!!”
“Sana all lord pls hahaha!”
The post Janine Gutierrez itinawid ni Jericho sa baha sa US: Disney Princess yarn! appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/454370/janine-gutierrez-itinawid-ni-jericho-sa-baha-sa-us-disney-princess-yarn
Original author: esantiago












