Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

2 + 2 =

Page views: 26

Iza Calzado doble ingat nang maging ina; may 3 ‘bodyguards’ sa bahay

by | Jun 18, 2026

Iza Calzado doble ingat nang maging ina; may 3 ‘bodyguards’ sa bahay
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

IBA talaga ang priorities kapag naging magulang na.

Para sa celebrity mom na si Iza Calzado, hindi na lang trabaho, wellness, o personal goals ang laging nasa isip niya. 

Mas malaking bahagi na ngayon ng kanyang buhay ang pagtiyak na ligtas at maayos ang tahanang inuuwian ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang anak na si Deia.

Nakachikahan ng BANDERA sa Iza sa naging launching ng Smart Yale Home pop-up sa Wilcon Depot Balintawak sa Quezon City, at nakwento ng aktres na marami siyang paraan para mapanatiling ligtas ang kanilang bahay.

Baka Bet Mo: Iza Calzado sa korapsyon sa Pinas: Tama lang na tayo’y magalit at magluksa

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid037x1Kq6TMuNnSMznvSeskJHiwNAJ7Cike7X1nwnQG586L8MXDRhEougDh3Lu4sR4Jl&show_text=true&width=500" width="500" height="646" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Bukod daw sa smart lock sa pinto, may extra security pa raw sila sa kanilang bahay.

“Aso!” sagot ni Iza sabay tawa nang tanungin namin.

Giit pa niya, malaking tulong ang kanilang mga alagang aso dahil agad nilang nalalaman kapag may tao sa labas o may kakaibang nangyayari sa paligid ng bahay.

“Totoo ah! Apart from Yale, we have three dogs. You will know if someone’s at the door or if something’s happening,” sey niya.

Bukod dito, sinisikap din nilang may kasama o nagbabantay sa bahay lalo na kapag kasama nila si Deia.

“Of course, as a mother now, you want to take extra steps to ensure that your family, your home is safe,” saad ng aktres.

At going back sa smart locks, inamin ni Iza na malaking pagbabago ang paggamit nito kumpara sa tradisyunal na kandado at doorknob.

Mas nagiging madali at seamless raw kasi ang pagpasok sa bahay dahil hindi na kailangang maghalungkat pa ng susi sa bag o bulsa.

Dagdag pa ng aktres, ang pinakamalaking benepisyo nito para sa kanya ay hindi lamang convenience kundi peace of mind.

“So it’s really life-changing because it gives you better peace of mind,” aniya.

At para sa aktres, walang katumbas ang pakiramdam na alam mong ligtas ang iyong pamilya kahit nasa labas ka ng bahay.

Samantala, bahagi ng kampanya para sa mas ligtas at mas connected na tahanan ang Smart Yale Home Pop-up Booth na matatagpuan sa Wilcon Depot Balintawak hanggang June 30. 

Tampok dito ang iba’t ibang smart security solutions at mga promo para sa mga interesadong homeowners na gustong matuto pa tungkol sa modernong home security systems.

The post Iza Calzado doble ingat nang maging ina; may 3 ‘bodyguards’ sa bahay appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM