
KINUWESTIYON ng ilang grupo ang “surprise rally” na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument noong Martes, June 30.
Isa na riyan ang Tindig Pilipinas, ang organizers ng Trillion Peso March na nagprotesta laban sa malawakang korapsyon sa pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng Tindig Pilipinas ang pagkontra sa kilos-protesta ng INC na ang layon ay protektahan si Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder na isasampa laban dito.
Ito’y may kaugnayan sa P75-million campaign donation na tinanggap umano ni Marcoleta noong 2025 elections.
“The central question confronting the Filipino people is simple: Why should any politician need tens of thousands of people to defend him against a legal investigation?” ayon sa Tindig Pilipinas.
Pahayag pa ng grupo, sa isang bansang nasa ilalim ng constitutional democracy, wala raw dapat government official na nag-oorganisa ng mga rally para kontrahin at harangin ang pagpapatupad ng batas.
“Accountability is not determined by the size of one’s following but by the strength of the evidence and the independence of our institutions,” sabi pa ng grupo.
Isa pa sa isyung nais ipunto ng Tindig Pilipinas ay ang paggamit ng mga miyembro ng INC sa EDSA bilang venue ng kanilang ipinaglalaban.
“The issue is the use of collective political and institutional power to place certain individuals beyond the accountability that every public official owes the Filipino people,” pahayag ng TP.
Naniniwala sila ba hindi lang basta venue ng pagpoprotesta ang EDSA kundi simbolo ito ng hustisya, katotohanan, pananagutan, at rule of law.
Kasabay nito, umapela ang Tindig Pilipinas sa sambayabang Pilipino na labanan at tutulan ang pagtatangkang baguhin ang tunay na simbolo ng EDSA para lang protektahan ang taong dapat humarap sa batas.
The post INC binanatan ng Tindig Pilipinas, kinuwestiyon pagprotekta kay Marcoleta appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/449314/inc-binanatan-ng-tindig-pilipinas-kinuwestiyon-pagprotekta-kay-marcoleta
Original author: esantiago





