Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

1 + 4 =

Page views: 34

EXCLUSIVE: AYO proud Davao boys na wish marinig sa buong mundo!

by | Jul 3, 2026

EXCLUSIVE: AYO proud Davao boys na gustong marinig sa buong mundo!
PHOTO: Courtesy of Sony Music Philippines

HINDI lang talento at pogi points ang baon ng bagong P-Pop boy group na AYO sa kanilang pagpasok sa industriya.

Dala rin kasi nila ang matinding pagmamahal at pagmamalaki para sa Davao at buong Mindanao!

Sa panahon kung saan karamihan ng mga P-Pop group ay nagmumula sa Metro Manila, tila handang baguhin ng pitong miyembro ng AYO ang nakasanayan, habang buong pusong ipinagmamalaki ang kanilang pinagmulan sa timog bahagi ng bansa.

Sa eksklusibong panayam ng BANDERA sa grupo sa Sony Music Philippines headquarters, ibinahagi nila kung paano nila gustong dalhin ang boses at kultura ng Mindanao sa mas malaking entablado, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Baka Bet Mo: HARA bongga ang bonding sa likod ng girl power image; wish maging inspirasyon

Para kay Zack, malaking bahagi ng kanilang identidad bilang artists ang pagiging mula sa isa sa pinaka-diverse na bahagi ng bansa.

“Since Mindanao is a diverse area, we take inspiration from that into making music. So with that being said, our music is diverse so we’re gonna explore many different genres and make it our own sound,” sey niya.

At hindi lamang sa musika makikita ang kanilang diversity kundi maging sa loob mismo ng grupo.

Ayon naman kay Enzo, sa halip na maging dahilan ng pagkakaiba, ginagamit nila ang kani-kanilang lakas upang mas mapagtibay pa ang samahan ng AYO.

“We turn our differences into an advantage by embracing one’s strength and learning from one another. For example po, GV and Patrick, forte nila is more into dancing so they help us polish our choreo and everything, and when it comes to vocals, TJ will help us do our warm-ups and everything, and guide us. So ayun po,” kwento niya.

Kaya naman para sa grupo, walang iisang bida sa AYO dahil bawat miyembro ay may kanya-kanyang ambag sa tagumpay ng kanilang samahan.

Pero higit sa kasikatan at awards, mas malaki ang pangarap ng grupo para sa kanilang musika.

Para kay Patrick, nais nilang maging inspirasyon sa mga kabataan at sa mga taong nangangarap na maabot ang kanilang mga layunin.

“We really want AYO to be successful in the future and we want na yung mga songs namin is marinig all over the Philippines, but hopefully also all over the world. And of course, beyond success, we really want to inspire a lot of people through our music and make a huge impact talaga in the community, sa lahat ng mga tao, through our music and our artistry,” wika niya sa panayam.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/I0GBIHFSkhs?si=AcVIk8_zYBWDVTY1" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Malinaw para sa AYO na hindi lang ito tungkol sa pagiging sikat o pagiging susunod na malaking pangalan sa P-Pop scene. 

Mas mahalaga para sa kanila ang makapag-iwan ng mensahe at inspirasyon sa kanilang mga tagapakinig.

At mukhang nagsimula na silang tuparin ang pangarap na iyon sa pamamagitan ng kanilang pre-debut single na “I’m Him.”

Tampok sa kanta ang mga temang identity, self-confidence, at pagtanggap sa sariling pagkakaiba.

Ito ‘yung mga mensaheng malapit din sa adbokasiya ng grupo bilang mga artist mula sa Mindanao na nais ipagdiwang ang individuality at diversity.

The post EXCLUSIVE: AYO proud Davao boys na wish marinig sa buong mundo! appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM