
ISANG singsing at pangakong forever ang jackpot na dumating sa buhay ni Dawn Chang!
Opisyal nang na-engaged ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at aktres matapos siyang sorpresahin ng kanyang longtime boyfriend na si National Police Commission (Napolcom) Commissioner Atty. Ralph Calinisan sa “Kapamilya: Deal or No Deal” na ipinalabas nitong October 17.
Sa sobrang pagkagulat at emosyon, hindi rin agad nakabuo ng mahabang sagot si Dawn nang marinig ang alok ng nobyo.
“Nawala ‘yung train of thought ko but thank you, thank you for finally asking me,” sey ng aktres sa kanyang fiancé.
Baka Bet Mo: Dawn Chang ayaw na ng drama: Leave me out of it
Hindi naman overnight success ang love story nina Dawn at Ralph dahil halos limang taon na silang magkasintahan bago tuluyang humantong sa engagement.
Unang nagkakilala ang couple nang maging abogado ni Dawn si Ralph noong magkaroon ng legal na sigalot ang aktres sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.
Noong October 2022, naging publiko ang kanilang relasyon nang magbahagi si Dawn ng birthday message para sa abogado.
At bago pa man ang nakakakilig na proposal sa telebisyon, may seryosong hakbang nang ginawa si Ralph para sa kanilang kinabukasan.
Noong December 2025, palihim na nagtungo ang abogado sa Australia upang hingin ang basbas ng pamilya ni Dawn para sa kanilang planong pagpapakasal.
Pagsapit nitong Pebrero, napag-usapan na rin ng dalawa ang kanilang target wedding sa darating na Disyembre.
Kaya naman ang sorpresa sa “Deal or No Deal” ay tila pormal na katuparan ng susunod na kabanata ng kanilang love story.
The post Dawn Chang engaged na kay Napolcom Commissioner Calinisan! appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/457230/dawn-chang-engaged-na-kay-napolcom-commissioner-calinisan
Original author: pdelrosario












