Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

10 + 2 =

Page views: 27

Dagul mamimili lang ng paninda sa Maynila nang ma-discover ni Randy Santiago

by | Aug 5, 2026

Dagul mamimili lang ng paninda sa Maynila nang ma-discover ni Randy Santiago
Dagul at Randy Santiago

KNOWS n’yo ba kung paano nagsimula ang komedyanteng si Dagul sa mundo ng showbiz at kung sinong kilalang artista ang naka-discover sa kanya?

Binalikan ni Dagul o Romeo Pastrana sa tunay na buhay, ang mga naging eksena kung paano siya napasok sa pag-aartista.

Sa panayam sa kanya ng “Kay Susan Tayo! Vlogs” naikuwento ni Dagul na taong 1998 nang magpunta siya sa Maynila mula sa  Bacolod.

Mamimili lamang daw sana siya ng mga paninda sa Baclaran para dalhin sa kanilang probinsya pero hindi niya akalain na iyon na pala ang magiging simula ng pagbabago sa kanyang life.

Nu’ng araw ding iyon ay nagkayayaan daw sila ng kanyang misis na manood sa isang noontime show.

“So accidentally, nagyayaan na manood ng noontime show. Pagkatapos, nu’ng bumaba kami, ang nakita namin, mga artista, picture-picture agad. 

“Nakita ko du’n si Sir Willie (Revillame) sa kabilang dressing room. Sabi ko, ‘Puwede magpa-picture?’ Nag-picture kami.

“Tapos sabi niya, ‘Oy, si Randy (Santiago). Randy, nandiyan sa kabilang dressing room.’ Pagsilip ko, nandu’n si Ara Mina saka si Sir Randy. Tapos sabi ko, ‘Sir, puwede magpa-picture?’ Ayun, nagpa-picture kami,” pagbabalik-tanaw ni Dagul.

Baka Bet Mo: Dagul umaasa na lang sa wheelchair: Hindi ako nakakalakad, binubuhat na lang ako ng anak ko

Nang matapos na raw ang noontime show, “Umalis na si Sir Randy. Pag-alis niya, biglang bumalik. Sabi niya, ‘Gusto mong mag-artista?’ Ayun!”

That time ay nagsisimula pa lamang daw ang sitcom ng GMA 7 na “Kool Ka Lang” na pinagbibidahan ni Raymart Santiago.

“Sabi niya, ‘Puwede ka kay Raymart (kapatid ni Randy). Puwede ka du’n.’ Pero doon ka, sa GMA ka,” ang sabi raw sa kanya ng singer-actor at host.

“Sa GMA talaga ako nagsimula. 1998. Dapat kasi, ma’am Susan, si Sir Randy, ang director ng Kool Ka Lang,” aniya pa.

Nakasama rin ni Dagul sa “Kool Ka Lang” sina Joey Marquez, Gloria Diaz, Bonel Balingit at Blakdyak.

Sa tanong kung sino ang nagbigay sa kanya ng kanyang screen name, “Ang Dagul, diyan sa Kool Ka Lang, si Ma’am Redgie Magno (dating GMA executive), ang ano namin dati.

“Pagdating ko kasi (sa taping), sabi ni Ma’am Redgie, ‘O, paano yan? Kukunin ka na. Ang pangalan mo dito, ‘Dagul.’ Sabi ko, ‘Sige po. Opo.’

“Excited din ako, eh. Biro mo ha, Ma’am, hindi ko naisip ‘yun. Sa isang daan na isipin mo, hindi ko naisip ‘yan. Kahit isa lang na magiging ganiyan ako,” ang sey pa ni Dagul.

The post Dagul mamimili lang ng paninda sa Maynila nang ma-discover ni Randy Santiago appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM