Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

15 + 1 =

Page views: 7

Buwan ng Wika: 10 celebrities na very proud sa kanilang wika, kultura

by | Aug 28, 2026

Buwan ng Wika: 10 celebrities na very proud sa kanilang wika, kultura

NGAYONG ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, kilalanin ang mga Pinoy celebrities na hindi ikinahihiya ang kanilang regional roots!

Sa ganitong okasyon, kadalasan nating naririnig ang mga salitang “Mahal ko ang sariling wika” at “Filipino, wikang mapagpalaya.”

Pero alam ba ninyong hindi lang Filipino o Tagalog ang dapat nating ipagmalaki?

Sa isang bansang tahanan ng napakaraming wika at kultura, bawat rehiyon ay may sariling paraan ng pagsasalita, punto, expressions, at kwento.

Baka Bet Mo: Dingdong Dantes kay Shuvee Etrata: Never lose that spark

At maging sa showbiz, may mga artistang hindi kailanman ikinahihiya ang kanilang pinagmulan.

Sa halip, dala-dala nila ang kanilang regional identity saan man sila makarating mula local television hanggang national stage, at maging sa international scene!

1. Melai Cantiveros

Kung may celebrity na talagang ginawang bahagi ng kanyang career ang pagmamalaki sa pagiging Bisaya, walang duda na kasama rito si Melai Cantiveros.

Si Melai ang host ng “Kuan on One,” isang online talk show kung saan Bisaya ang pangunahing ginagamit sa pakikipagkwentuhan sa mga celebrity guest.

Para kay Melai, personal ang proyekto dahil Bisaya ang kanyang first language.

Ibinahagi rin niya na mahalaga sa kanya na maipakita sa buong bansa kung ano talaga ang mga Bisaya at kung paano sila makipag-usap at makitungo.

2. Daniel Padilla

Hindi rin nagpahuli si Daniel Padilla sa pagrepresenta ng kanyang regional roots.

Nang gampanan niya ang role sa pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon,” na nakasentro sa Tacloban at sa mga pangyayari matapos ang bagyong Yolanda, ipinakita niya ang kanyang pagiging proud Waray.

Sa isang interview tungkol sa pelikula, malinaw ang mensahe ni Daniel: gusto niyang maging bahagi ng representation ng mga Waray.

“I have to represent,” sey ni Daniel nang pag-usapan ang pagiging Waray actor niya.

3. Boy Abunda

Kung accent ang pag-uusapan, isa sa pinakamagandang kwento ay ang kay Boy Abunda.

Sa isang speech sa Samar, ikinuwento ng King of Talk na noong nagsisimula pa lamang siya sa Manila, naging insecurity niya ang kanyang Waray accent.

Natatakot siyang pagtawanan dahil iba ang kanyang pronunciation kumpara sa mga taga-Manila.

Pero kalaunan, napagtanto niyang bahagi iyon ng kanyang pagkatao.

“I am proud to be Waray,” mariing sinabi ni Tito Boy, habang ibinabahagi kung paano niya natutunang yakapin ang kanyang accent at pinagmulan.

4. ALAMAT 

Mula nang mabuo, naging bahagi na ng identity ng grupo ang pagiging multilingual at multiethnic.

Ayon sa GMA News, ang mga miyembro ay nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ginagamit sa kanilang music ang pitong wika: Tagalog, Ilocano, Kapampangan, Bicolano, Waray-Waray, Hiligaynon, at Bisaya.

5. FELIP 

Isa pa sa pinakamalinaw na halimbawa si FELIP, o Ken Suson ng P-Pop sensation na SB19.

Hindi lang basta gumagamit ng Bisaya si FELIP sa kanyang music, ipinagmamalaki niya talaga ito.

Sa isang interview sa The Philippine STAR, sinabi niyang proud siyang Bisaya at iyon ang dahilan kung bakit gumagawa siya ng Bisaya songs.

Ayon pa sa kanya, maganda ang Bisaya language at gusto niyang mas marami pang awitin ang gawin gamit ito.

6. BINI Aiah 

Kung may perfect example ng regional language na umabot sa international stage, si BINI Aiah naman ‘yun.

Noong performance ng BINI sa Coachella 2026, ipinakilala ng members ang kanilang sarili gamit ang kani-kanilang local languages.

Para kay Aiah, Cebuano ang ginamit niya.

At naging viral ang kanyang Cebuano shoutout na: “Coachella, syagit og kusog!” na ipinagmalaki rin ng Cebu Provincial Government.

7. BINI Colet

Ayon sa Vogue Philippines, nahirapan si BINI Colet noong una sa Star Hunt Academy dahil hindi siya gaanong nakapagsasalita ng Tagalog.

Cebuano ang kanyang native language, kaya naging challenge para sa kanya ang pakikipag-communicate sa ibang trainees.

Pero sa halip na maging hadlang ito sa kanyang career, naging bahagi ito ng kanyang identity bilang BINI member.

At noong Coachella, Cebuano rin ang ginamit niya sa pagpapakilala sa grupo.

8. Kim Chiu

Hindi rin maikakaila ang Bisaya pride ni Kim Chiu.

Sa isang interview, ibinahagi niya ang kanyang appreciation sa Bisaya culture at kung bakit malapit sa puso niya ang pagiging Bisaya.

Sa pelikulang “Etiquette for Mistresses,” gumamit pa nga si Kim ng Cebuano lines at kinanta rin niya ang Visayan songs na “Labyu Langga” at “Duyog.”

9. Vina Morales 

May sariling kwento rin si Vina Morales tungkol sa pagiging proud Cebuana.

Noong 2005, nilinaw niya sa The Freeman na hindi niya kailanman itinanggi ang kanyang Cebuano roots.

Naging emosyonal pa siya nang pag-usapan ang mga alegasyong hindi raw siya proud na Cebuano.

“I really felt bad because I never denied I am a Cebuano,” giit niya.

10. Shuvee Etrata

Ang Gen Z crowd naman ay may sariling representative sa listahang ito…si Shuvee Etrata!

Ipinanganak at lumaki sa Bantayan Island sa Cebu, naging popular si Shuvee bilang social media personality bago lumawak ang kanyang career sa showbiz.

Tinawag pa siya ng The Philippine Star na “Proud Bisaya” sa isang feature tungkol sa kanyang pagsisimula sa entertainment industry.

Kaya naman habang lumalaki ang kanyang career, dala pa rin niya ang Cebuana identity.

The post Buwan ng Wika: 10 celebrities na very proud sa kanilang wika, kultura appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM