
IPINAGPALIBAN ng Nation’s girl group na BINI ang European leg ng kanilang “Signals” World Tour 2026 dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na wala sa kontrol ng grupo.
Sa isang joint statement na inilabas nila nitong Miyerkules, July 1, inihayag ng pamunuan na ang anim na nakatakdang concert sa Europe, na orihinal na itinakda mula August 30 hanggang September 11 ay hindi na matutuloy ayon sa plano.
“Due to unforeseen circumstances beyond our control, the European leg of the BINI Signals World Tour 2026 will be postponed,” saad sa naturang statement.
Kabilang sa mga apektadong ay ang concert nila sa Amsterdam, Rome, Paris, London, Zurich at Düsseldorf.
Baka Bet Mo: BINI Maloi, Zild Benitez lantaran na ang pagiging magdyowa?
Nag-sorry naman ang BINI sa kanilang mga faney dahil sa hindi inaasahng pangyayari at nangakong gagawa ng paraan para matuloy pa rin ang concert sa ibang petsa.
“We sincerely apologize for the disappointment and inconvenience this may cause. We are working to reschedule the tour and will share updated information as soon as possible,” sey pa nila.
Ayon naman sa Star Magic, ire-refund ang mga naturang ticket sa kung ano ang mode of payment na ginamit sa pagbili.
Dahil sa binagong iskedyul, pansamantalang lalaktawan ng BINI ang kanilang mga nakaplanong concert sa Europa at ipagpapatuloy ang tour sa mga petsa sa Oceania matapos tapusin ang kanilang North American run.
Matapos ang mga USA at Canada concerts, at ang magaganap na Summer Sonic Music Festival sa Japan, ang susunod na concert ng grupo ay sa Melbourne sa September 20.
Samantala, hindi naman na sinabi pa ng BINI at Star Magic ang tiyak na dahilan ng pagpapaliban, at sinabi lamang na ito ay dahil sa “unforeseen circumstances” na hindi nila kontrolado.
Inaasahang iaanunsyo sa susunod na panahon ang mga updated na petsa ng tour.
The post BINI postpone muna concert sa Europe: We are working to reschedule the tour appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/449288/bini-postpone-muna-concert-sa-europe-we-are-working-to-reschedule-the-tour
Original author: aarceo





