Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

1 + 3 =

Page views: 26

Bianca Umali ni-lock sa puso si Ruru: Mahirap pakawalan baka makuha pa ng iba!

by | Sep 7, 2026

Bianca Umali ni-lock sa puso si Ruru: Mahirap pakawalan baka makuha pa ng iba!
Bianca Umali at Ruru Mdrid

NAKA-LOCK na sa puso ni Bianca Umali ang kanyang long-time boyfriend na si Kapuso Action Hero Ruru Madrid.

In fairness, ang ganda-ganda, ang sexy-sexy at fresh na fresh pa rin si Bianca nang makachikahan ng BANDERA sa premiere night ng pelikulang “Saving Cherry” ng Regal Entertainment.

Isa ang Kapuso star sa mga celebrities na sumuporta sa latest movie ni Barbie Forteza kung saan kasama rin sina Mika Salamanca, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Mikee Quintos at Khalil Ramos.

Tinanong namin si Bianca kung nasaan si Ruru Madrid dahil solo lang siyang dumating sa premiere night na ginanap sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2.

Hirit na sagot ng aktres, “Naka-lock na siya sa puso ko. Pasensya na. Mahirap nang pakawalan, baka magkuha pa ng iba! Ha-hahahaha!”

Sundot na tanong sa kanya kung ano ang sikreto sa matibay at solid na relasyon nila ng Kapuso hunk na bumibilang na rin ngayon ng maraming taon. 

“I think God…at the center of our relationship. Magkaaway man kayo, mahal na mahal n’yo man ang isa’t isa, nasaan man kayo, nasa taas o nasa baba, always put God in the center of your relationship. Because that is the superpower of it,” pahayag ng dalaga.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid bawal na bawal mag-endorse ng alak, sugal dahil sa pagiging INC

Samantala, natanong din namin kung may plano na bang magsama sila sa isang bonggang project tulad ng matagal nang request ng kanilang fans.

Tugon ni Bianca, “We are maximizing kung ano po ang nabibigay sa amin ng mga pagkakataon as individual artists. But at the same time, of course, kahit kami, gusto rin po namin na magsama.

“What we are thinking of and waiting for is the right material and the right people to work with. Because if magkasama na rin kami, siyempre gusto namin na confident kami sa project, confident kami sa pagsasama namin, at confident kami na magugustuhan ito ng mga taong matagal nang naghihintay na makita kaming magsama sa isang project,” sey ng aktres.

May dream project na ba silang napag-uusapan? “Well, Rulu and I are always open sa kung ano yung genre na ibibigay sa amin na magkasama. 

“Parehas naman kami ng commitment pagdating sa kung paano kami magtrabaho. We’re also thinking of producing the material na pagsasamahan namin.

“Siguro, dahil parehas kami gumagawa ng action, nandu’n ang action, parang ‘Mr. and Mrs. Smith’ (movie nina Brad Pitt at Angelina Jolie), parang ganu’n. 

“Siyempre, game rin tayo to do drama together, dahil parehas din kaming doon nagsimula at umangat. That is also something we’d love to explore,” dugtong ni Bianca.

The post Bianca Umali ni-lock sa puso si Ruru: Mahirap pakawalan baka makuha pa ng iba! appeared first on Bandera.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM
DIGITAL MARKETING