
IPINAGLULUKSA ngayon ng aktres at content creator na si Bea Borres ang pagpanaw ng kanyang personal driver na si “Kuya Alex.”
Nagbahagi si Bea sa kanyang Instagram at Facebook account kahapon, August 27, 2026, ng ilang throwback video nila ni Kuya Alex.
Mapapanood sa unang video ang bonding moments nina Bea at Kuya Alex habang kumakain sila sa isang restaurant.
Ang caption ng vlogger, “rip kuya alex (white heart and dove emoji). When ur driver is also your bff.”
Base naman sa isa pang reel, makikita ang pakikipagchikahan ni Bea sa kanyang driver na inilarawan niyang hindi lang basta driver kundi isa rin itong tatay at malapit na kaibigan.
Mababasa sa caption, “pov: u make chika everything to ur driver.
“You were more than just a driver to me. I found a best friend and a father in you.
“I love you, kuya alex. thanks for everything.”
Baka Bet Mo: Bea Borres inalok mag-endorse ng sugal, na-offend sa offer?
May ipinost din na video si Bea sa Facebook ng reaksiyon ni Kuya Alex nang ipakilala niya rito ang anak na si Victoria Hope.
Siguradong alam ng mga fans at social media followers ni Bea kung gaano kahalaga sa kanya si Kuya Alex na napapanood palagi noon sa mga vlog ni Bea sa YouTube at TikTok.
Marami rin silang “collab” sa mga dance video at mukbang challenge sa YouTube.
The post Bea Borres basag ang puso sa pagpanaw ng driver; itinuring na BFF, tatay appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/453615/bea-borres-basag-ang-puso-sa-pagpanaw-ng-driver-itinuring-na-bff-tatay
Original author: esantiago





