
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng mga netizens ang kontrobersyal na courtside reporter na si Apple David hinggil sa kanyang relasyon sa basketbolistang si Chad Gammad.
Sa kanyang TikTok live, sinagot ng dalaga ang mga pahayag na nagsasabing “gurang” na siya.
Hindi naman kinontra ni Apple ang mga netizens na nagsasabi nito at tila unbothered pa rin sa mga pambabatikos laban sa kanya.
Amin pa niya, totoo naman daw talagang matanda na ang mga may edad 33 pero ang catch ay ang kanyang itsura.
Baka Bet Mo: Bea Borres insecure nga ba kay Apple David, anyare!?
“Hindi nakaka-offend na sabihan ka ng ‘gurang’. Kasi ang gurang, ibig sabihin no’n matanda. E, matanda naman talaga ang 33! Pero ang catch do’n, 33 pero ganito hitsura,” saad ni Apple.
Aniya, dapat raw na ang mga nagsasabing gurang siya ay kaparehas niya ng “hitsura”.
Banat pa ni Apple, “Siguraduhin niyo pag-33 kayo, ganito hitsura niyo or mas maganda pa… Alagaan niyo sarili niyo para pag-33 niyo, gustuhin pa rin kayo.”
Samantala, nagpasalamat naman siya sa kanyang bashers dahil ito raw ang source ng kanilang panggastos sa tuwing nagde-date sila ni Chad.
“Maraming salamat. Kanino nanggaling ‘yung pang-date namin, sa kanila […] kaya habang mataas ang engagement post lang nang post.
“Kaya huwag n’yong tigilan guys! Keep on viewing, keep on commenting. Positive or negative mayroon kayong palakpak,” sabi pa ni Apple.
The post Apple David aminadong ‘gurang’: 33 pero ganito itsura appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/449282/apple-david-aminadong-gurang-33-pero-ganito-itsura
Original author: aarceo





