Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

10 + 14 =

Page views: 21

Andrea Brillantes binarag sina Bea at Meray: Lahat kayo kinikilig pwes ako hindi

by | Sep 7, 2026

Andrea Brillantes binarag sina Bea at Meray: Lahat kayo kinikilig pwes ako hindi
Andrea Brillantes, Bea Borres at Meray Yamada

NA-BAD trip ang aktres na si Andrea Brillantes nang mapanood ang vlog ng BFF niyang si Bea Borres kasama ang ex-boyfriend nitong si Meray Yamada.

Si Meray ang tatay ng anak ni Bea na si Hopea at muli ngang  nagkasama ang ex-couple sa isang collaboration video na kinakiligan naman ng maraming netizens.

Inamin naman ni Bea na ginawa nila ang vlog para pagkakitaan ito at pumaldo dahil hindi nga raw nagbibigay ng pera sa kanya ang tatay ng kanyang anak. 

Malakas at mataas daw kasi ang engagement kapag kasama niya ang dating partner sa kanyang mga vlog.

Pumayag naman ang guy sa offer ni Bea at lahat ng kikitain ng vlog ay mapupunta sa kanilang baby na ipinakita rin sa bandang ending ng video.

“You know why I’m doing this? Coz you don’t wanna give me money, so, eh malakas yung engagement kapag kasama ka eh, so gagatas(a)n na lang kita,” sey ni Bea.

Makikita rin sa video na sinusubuan pa ni Bea ng cake si Meray para makaganti rin  dahil on a diet daw ito, “Saka para mag-away kayo ng babae mo!”

Baka Bet Mo: Bea Borres ginamit tatay ng anak para pumaldo: Gagatasan na lang kita!

Pero agad namang nilinaw ni Bea Borres na hindi sila nagkabalikan ni Meray at wala pa rin daw silang co-parenting agreement nito.

Samantala, kung maraming kinilig at nagsabing sana’y magkabalikan ang dating magdyowa, mukhang hindi naman ito nagustuhan ng beshie ni Bea na si Andrea.

Kalat na sa social media ang screenshot ng comment ni Andrea sa TikTok na nagsasabing hindi siya kinikilig sa muling pagsasama nina Bea at Meray.

Mababasa sa verified TikTok account ni Andrea ang pambabasag niya sa vlog ng kaibigan, “Lahat kayo kinikilig pwes ako hindi.”

“Ma un interested na nga lahat ng gantong content sa fyp ko.

“No shade to the editor or anyone really. idk bye,” ang pahayag pa ni Blythe.

The post Andrea Brillantes binarag sina Bea at Meray: Lahat kayo kinikilig pwes ako hindi appeared first on Bandera.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM
DIGITAL MARKETING