
NAKAHINGA na nang maluwag ang aktor na si Martin del Rosario matapos maging matagumpay ang isinagawang heart surgery sa kanyang amang si Robert, na nananatili pa ring naka-confine sa intensive care unit (ICU).
Sa panayam ni Martin sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan lang, ibinahagi niyang ligtas na ngayon ang kanyang ama matapos ang maselang operasyon.
“Nasa ICU (intensive care unit) pa rin ‘yung dad ko…Nag-undergo siya ng quintuple heart bypass. Ngayon okay na siya, safe na siya sa ICU,” sey ng aktor.
Nauna nang humingi ng tulong ang aktor para sa mga blood donor na kakailanganin ng kanyang ama.
Baka Bet Mo: Martin del Rosario hindi takot sa bakla, walang bad experience sa LGBTQ
Sa naturang panayam, labis din niyang pinasalamatan ang lahat ng tumulong, lalo na ang medical team na kanyang tinawag na mga “life savers.”
“Fatal ‘yun e, ‘yung limang bara. Usually, ‘yung tatlong bara nakakamatay na. Nakuha namin nang maaga ‘yung sa dad namin,” saad pa niya kaugnay ng limang baradong ugat sa puso ng kanyang ama.
Bagama’t matagumpay ang operasyon, sinabi ni Martin na kailangan pa rin nilang makalikom ng 10 pang bag ng dugo mula sa mga donor.
“Kailangan ko ng 16 bags of blood kasi nanghiram lang kami ng blood sa heart center…As of now, need pa namin ng—naka-six pa lang e, so mga sampu pa,” dagdag niya.
“Sobrang laking tulong na ‘yun for us, ‘yung makapag-donate kayo ng blood,” aniya pa.
Samantala, abala rin ngayon si Martin sa promosyon ng kanyang upcoming Cinemalaya queer film na “Tayo Lang Ang Nakakaalam,” kung saan makakasama niya sina Miguel Odron, Yayo Aguila, Epy Quizon, Madeleine Nicolas, at Bodjie Pascua.
Para sa mga hindi aware, ang tatay ni Martin na si Robert ay kapatid ng GMA news anchor na si Connie Sison.
The post Ama ni Martin del Rosario naligtas sa heart surgery, pero nasa ICU pa rin appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/451460/ama-ni-martin-del-rosario-naligtas-sa-heart-surgery-pero-nasa-icu-pa-rin
Original author: pdelrosario





