
NAGPAABOT ng advice si Sen. Alan Peter Cayetano sa kasamahang si Sen. Win Gatchalian matapos ang pagpapalit ng liderato sa Senado.
Matatandaang nitong Miyerkules, June 3, dumalo si Sen. Chiz Escudero sa sesyon dahilan para magkaroon ng quorum at matuloy ang plenary session.
Ilang araw rin kasing nahinto ang sesyon sa Senado matapod ang magkasunod na araw na hindi pagsipot ng miyembro ng dating majority bloc kasama si Cayetano.
Dahil nga sa pagdalo ni Escudero at nakumpleto ang 12 senador ay agad na binakante ng Sendo ang lahat ng posisyon maging ang Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan idineklara na bilang acting Senate President.
Bakq Bet Mo: Senate minority bloc kinuwestiyon ang Senate president: Alan Peter Cayetano resign!
Nitong Huwebes, June 4, nagsagawa ng press conference si Cayetano kung saan binigyan niya ng payo si Gatchalian.
“Kung ako kay Sen. Win, I will not act as acting president because he knows it’s illegal. Masisira ‘yong buong career niya in the future.
“You know I’ve been a senator since 2007. I thought never na ako magiging senate president. But I waited. Until binigay sa akin,” sey ni Cayetano.
Pinuri rin niya ang kasamahang senador kasunod ang isang paalala.
“And I think Sen. Win is intelligent, studious, creative, ang dami kong adjective na sasabihin. So, ang aking lang kay Sen. Win, wait for your time… Okay na e, pinili ka na ng grupo mo pero kapag illegal ang pinagagawa sa’yo, huwag mong gawin. Mapapahamak ka lang,” sey pa ni Cayetano.
Matatandaang kinilala ng Palasyo si Gatchalian bilang acting Senate President noon ding Miyerkules, June 3.
The post Alan Peter Cayetano pinayuhan si Win Gatchalian: Wait for your time appeared first on Bandera.
Article origin: https://bandera.inquirer.net/447359/alan-peter-cayetano-pinayuhan-si-win-gatchalian-wait-for-your-time
Original author: pdelrosario





