Get A Quote

Select the type of service(s) you desire

Coverage style:

Deliverables:

Turnaround preference:

Need thumb drive?

Deliverables:

Coverage style:

Need thumb drive?

Audio needs:

What to shoot?

Shoot type:

FAA permission:

Platform:

On-site internet:

Multi-camera:

Need thumb drive?

Recording copy:

1 + 8 =

Page views: 28

Aga Muhlach personal choice si Jodi sa ‘2nd Miracle in Cell No. 7’

by | Sep 12, 2026

Aga Muhlach personal choice si Jodi sa '2nd Miracle in Cell No. 7'

MISMONG ang award-winning actor na si Aga Muhlach ang pumili kay Jodi Sta. Maria para maging leading lady niya sa “2nd Miracle in Cell No. 7.”

Iyan ang ibinandera ni Aga sa naganap na story conference at cast reveal ng “2nd Miracle in Cell No. 7” kahapon, September 11, sa Tektite Auditorium sa Ortigas Center.

Ayon kay Aga, wala na raw siyang ibang nasa isip para makasama sa prequel ng 2019 MMFF entry “Miracle in Cell No. 7” kundi si Jodi lang kaya naman tuwang-tuwa siya nang tanggapin ito ng Kapamilya actress. 

Ang “2nd Miracle in Cell No. 7”, ang magiging official entry ng Viva Films sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Baka Bet Mo: Sey mo Aga…Janice de Belen, Niño nagkaungkatan ng past

“Matagal ko na rin siyang gusto makasama talaga. When this movie was presented na gagawin, sinabi ko wala nang iba talaga. So, I wanted her, we needed her,” pahayag ni Aga.

“And maraming salamat sa Panginoong Diyos at pumayag. Maraming salamat, Jodi. Thank you for saying yes, really.

“Nagsasawa na sa akin ito (sabay tingin kay Jodi) sa kaka-thank you ko kasi parati akong nagpapasalamat talaga. So, maraming-maraming salamat talaga.

“Wala nang iba. Wala nang iba talaga. Siguro kapag nag-umpisa na kaming mag-shoot ng pelikula at kapag napanood niyo na ang pelikula, du’n ninyo makikita kung bakit siya,” dagdag ng tatay nina Atasha at Andres Muhlach.

Itinuturing namang “himala” at “sweet surprise” ni Jodi ang pagdating sa kanya ng nasabing proyekto dahil quota na siya this year sa dami ng nagawa niyang pelikula.

Magpapahinga na raw sana siya at sa 2027 na uli tatanggap ng trabaho, pero, “How do you say no to this? The script was sent over, binasa ko siya, and then nag-pitch pa sila, and I’m like, ‘I want to do this.’”

Inamin ni Jodi na may pressure sa kanya ang unang pagtatambal nila ni Aga, lalo’t blockbuster hit pa ang “Miracle in Cell No. 7” sa 2019 MMFF. 

“Pero iba rin kasi ’yung nagtitiwala sa ’yo ’yong mga tao na kumuha sa’yo, pinaniwalaan ka nila, kumbaga tumaya sila sa’yo and, kahit papaano, gusto mo na masuklian ’yon,” saad ng aktres.

Mula pa rin sa direksyon ni Nuel Crisostomo Naval at sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario, makakasama rin nina Aga at Jodi sa “2nd Miracle in Cell No. 7” ang original cast members na sina Xia Vigor, Joel Torre, Mon Confiado, JC Santos, Soliman Cruz at Jojit Lorenzo with the award-winning young indie actor na si Jansen Magpusao.

Mapapanood na ang “2nd Miracle in Cell No. 7” sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko, December 25.

The post Aga Muhlach personal choice si Jodi sa ‘2nd Miracle in Cell No. 7’ appeared first on Bandera.

Upcoming Events

No upcoming events found.

SERVICES WE PROVIDE

PHOTOGRAPHY
VIDEOGRAPHY
AERIAL DRONE
LIVE VIDEO STREAM
DIGITAL MARKETING